Abante Tonite Interactive

Ahensiya ng mambabatak tablado na ng MMDA!

By
99

Paalam na muna sa hindi makatarungang serbisyo ng towing agencies ng Metro Manila.

Huling araw ng Agosto, sinimulang ipagbawal ng MMDA sa lahat ng to­wing service ang walang pakundangang paghatak sa mga sasakyan kahit na ang mga ito’y nasa national roads o Mabuhay Lanes.

Marahil kayo’y nagtataka kung bakit nga naman nagkaganyan sa likod ng nakasanayan na nating pangitain sa mga towing agency na may kasamang dugyot ng mga pahinante ayon pa sa isang radio commentator, na basta na lamang tatangay ng sasakyan luma man o bago.

Ngunit bago ang lahat, nais nating batiin ang ating kabayang Bisaya sa ngalan ni Atty. Maribert Pagente ng Cebu.

Opo tubong Cebu si Atty. Pagente ngunit sa ‘di inaasahang pagkakataon ay natagpuan at nakasalamuha ng Moto Rista noong isang linggo sa isang lugar opisina na hindi sa Kabisayaan kundi sa mismong kalagitnaan ng Kamaynilaan.

Binabati natin ang masipag at magaling na abogadong ito sa tapat na serbisyo nito bilang hepe ng Business Permits & Licensing Office ng Makati.

Mantakin mong hindi raw pala uso sa kanila ang lunch break hangga’t may kailangang kausa­ping panauhin ng Makati BPLO.

Ayaw niya nga sanang pabati dahil hindi naman daw siya tatakbo. Ngunit, heto good job Atty. Dumami pa sana ang gaya ninyo sa serbisyo publiko.

Mabuhay po kayo!

Balik MMDA tayo.

Tama ang inyong nabasa sa gawing itaas.

Hindi na manghuhuli o manghahatak ang MMDA sa nasabing mga lansangan.

Bagkus, papatawan na lamang ng P500 penalty ang sinumang lalabag dito.

Mainam nga naman ang ganito. Hindi pa masisira pintura o madedeporma ang mga sasakyan.

Kadalasan, hindi marunong mag-ingat ang mga towing service. Basta na lamang kakabitan ang mga sasakyan saka hihilahin papunta sa kung saan.

Kudos din sa isang job well done na ito dahil saganang atin, mahirap din naman kung puro negatibo ang ating susulatin.
Good job mga ka-Moto!