Abante Tonite Interactive

Ahensiya sumakit ang ulo sa 2 negang celeb

711

Namumroblema pala ngayon ang isang ahensiyang nasa likod ng isang kilalang produkto na iniinom dahil dalawa sa celebrity endor-sers nito ay negang-nega ang imahen ngayon sa publiko.

Ang female celebrity endorser (FCE) ng nasabing produkto ay nasangkot sa isang masalimuot na kontrobersya, na nalagay ito sa alanganin at grabe ang bashing na natatanggap nito.

Ang nakakalerky, ang lalaki na dawit din sa isyu ni FCE ay endorser din pala ng nasabing produkto na iniinom.

Gaya ni FCE ay umaani rin ng mga banat at batikos online si male celebrity endorser (MCE) lalo na sa social media dahil sa isyung kinasangkutan nito.

Sumasakit ang ulo ng ahensiyang kumuha sa dalawang celebs dahil ayaw na ayaw nila ng mga kontrobersya at iwas na iwas silang masangkot ang pangalan ng mga endorser nila sa anumang gulo.

Aligaga ngayon ang mga tauhan sa likod ng nasabing produkto dahil very conscious sila sa mga ganito, lalo na kung posible itong magkaroon ng negative impact sa kanilang produkto.

Hindi nila malaman kung anong dapat gawin dahil wala rin naman silang kontrol sa isyung kinasangkutan ng mga endorser nila. Hindi namin sure kung nagsisisi na ngayon ang ahensiyang kumuha sa serbisyo ni FCE at ni MCE dahil namumroblema sila ngayon nang ganito.

Wait na lang natin kung after this ay ire-renew pa sila ng nasabing produkto o bibitawan na sila na katulad ng pagkapaso sa isang tasa ng mainit na kape!
PAK!!

Mister ni Rufa Mae ‘nagbatibot’ na lang

Naranasan daw ma-‘ghosting’ ni Rufa Mae Quinto noong araw lalo na nu’ng bata-bata pa siya.

Sey ni P-chi, halos lahat ng lalaki ay ginawa ‘yon sa kanya, na bigla na lang na-lost at hindi na nagparamdam.

Very Rufa Mae ‘yung hirit niya na kasi raw ay malaki ang boobs niya at ang tingin ng mga lalaki sa kanya ay pangkama siya o pang-pornstar.

Pero in fairness to her, sa dami ng pinagdaanan niya at sa dami rin ng lalaking naugnay sa kanya, in the end ay natagpuan niya ang lalaking para talaga sa kanya at pinakasalan siya.

Happily married si P-chi sa Fil-Am husband niyang si Trevor Magallanes na isa na palang pulis sa California.

8 years ang tanda niya kay Trevor na 32-anyos na ngayon.

37-anyos si P-chi nang magkaanak sila ng mister niya. At that time ay gustong-gusto na raw niya talagang magkaanak, buti ay nagka-baby pa siya at normal ang naging deli-very niya.

Gusto pa raw nilang sundan ang daughter nilang si Alexandria Athena pero hindi pa raw ngayon.

Medyo long distance ang peg nilang magdyowa dahil nandu’n ito sa Amerika habang siya ay may career dito sa ‘Pinas.

Madali naman na daw lahat ngayon kahit magkalayo silang mag-asawa at saka lagi rin siyang pumupunta roon.

Kahit macho at lapitin ng tukso ang hunky hubby niya ay may tiwala raw si P-chi sa asawa niya na hindi siya ipagpapalit nito sa iba.

Hirit niya, nagsawa na raw si Trevor sa sex. At saka sobrang mahal daw siya nito kaya confident siyang hindi ito papatol sa ibang babae.

‘Nagsasarili’ na lang daw ito kapag wala siya sa tabi nito. Ha! Ha! Ha!
Basta, kampante si P-chi na hindi siya papalitan ng Fil-Am dyowa niya. Taruzsh!!

Ang saya ni Rufa Mae na may pelikula na naman siya at magkasama sila ni Ai Ai delas Alas sa comedy flick na “And Ai, Thank You!”

Huli silang nagkatrabaho ng Comedy Queen sa “Booba” (2001) at sa “Pasukob” (2007).

Kaabang-abang ang mga tarayan at okrayan nila rito dahil si Rufa Mae ang gumaganap bilang mahigpit na karibal ng sikat na artistang karakter ni Ai Ai na si Aileen dela Rosa.

Tawang-tawa si Ai Ai kay Rufa Mae dahil luka-luka pa rin itong kausap at hindi nauubusan ng chika.

Next week na, August 14 ang showing ng “And Ai, Thank You!” in cinemas nationwide.