Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ahente winala original title ng nabiling lupa

0 96

Dear Attorney Claire,

Kasalukuyan po akong naghahanapbuhay sa Saudi Arabia kasama ang aking pamilya, kaya po pinaproseso ko sa isang ahente ang pagpapalipat ng titulo sa aking pangalan sa nabili kong lupa sa kilala din po naming pamilya at sila na din po ang nakikipag-usap sa ahente. Ang problema po nawala ng ahente ang original title owner’s copy kaya po hanggang ngayon mag-aanim na taon na hindi pa rin naproseso. Sana po Attorney Claire matulungan nyo po kami tungkol sa mga dapat gawin para makakuha ulit ng original title owner’s copy at para masimulan na rin pong ilipat sa aking pangalan. Ano po ba ang pananagutan ng ahente tungkol sa pagkawala ng titulo? Ang ahente po ay kilala sa lugar kung saan ko nabili ang lupa dahil po meron siyang surveying company at may mga tauhan po siya at isa sa mga serbisyo nila ang pagproseso ng titulo ng lupa.

Maraming salamat,

Dennis

Mr. Dennis,

Dapat na po kayo kumilos at delikado po na nawawala ng titulo ng lupa dahil baka mapunta at magamit sa kamay ng mga scammer at gamitin ang titulo sa masama tulad ng pagbebenta sa iba nang wala kayong kaalam alam.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

ung may Deed of Sale na kayo ay dapat na mabayaran na ang mga buwis tulad ng Capital Gains Tax, documentary stamp tax, etc. para di kayo magkaroon ng penalty. Sana nagawa na ito ng ahente kahit na wala niya ang titulo. Kung hindi pa… Asahan na magnabayad kayo ng plenty dahil sa kapabayaan ng inyong ahente.

Magpagawa na kayo ng Affidavit of Loss para sa inyong proteksyon at ipa annotate sa titulo na nasa possession at records ng Registry of Deeds kung saan nakarehistro ang title. Ito ay para maging aware ang mga tao na hindi ito for sale dahil nawawala ang titulo. At gagamitin din ito para sa pagsampa ng Petition sa korte.

Pag may Affidavit of Loss na naka annotate sa title ay dapat nang mag file ng Petition for Issuance of Owner’s Duplicate Copy sa korte. Dapat na ang ahenteng nakawala ang siyang sinagot ng gastusin dito. Malamang ay ayaw nyang gumastos Kaya pinapatagal niya angvpagproseso.

Humanap na po kayo ng abogado para sa mas maproteskyunan ang inyong interest.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8922 0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com. Please subscribe to my youtube channel Batas with Atty. Claire Castro. Subaybayin din po ninyo ang Asintado sa Abante News Online (Facebook) tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes sa ganap na 5:00 PM kung saan maaari kayong dumulog para sa inyong problema at mabigyan ng tugon sa abot ng aming makakaya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.