Abante Tonite Interactive

Ahron anim na beses sinampal ni Kakai

2,080

tonite-pak-allan-dionesNgayon ang showing ng big-budget action movie ni Anne Curtis na ‘BuyBust’, na walang takot na tinapatan ng romcom movie nina Kakai Bautista at Ahron Villena na ‘Harry & Patty’.

Aminado si Kakai na pader ang babanggain nila sa takilya at hindi raw ito maiiwasan.

Actually, napanood niya raw ang trailer ng pelikula ni Anne at naniniwala siyang sobrang ganda nito.

“Ang layo po ng tema ng movie namin sa movie na ‘yon. So, I think meron din naman pong mahahati na manonood ng movie na ‘yon, manonood din po sa amin. Puwedeng mauna kami and panoorin naman sila.

“Sana po, hindi lang po ‘yon ang panoorin, ito ring sa amin. Suportahan po natin lahat ng pelikulang Pilipino na pinapalabas. Medyo nakakatakot po, pero bahala na lang si Lord.

“Kung gustong manood ng mga tao ng movie namin and they want to feel good and they want to fall in love and just be happy, good vibes lang, puwede silang manood talaga ng ‘Harry & Patty’.

“Sana po, suporta­han natin parehas. Ako personally, I would love to watch ‘BuyBust’ kasi my friends are there, kasali sila sa cast,” nakangiting sey ng Dental Diva.

First time nilang magbida sa pelikula ng da­ting na-link sa kanya na si Ahron.

Paglilinaw ni Kakai, malayo sa totoong buhay ‘yung mga karakter nila sa movie kahit may eksena ritong anim na beses niyang sinampal nang malakas si Ahron.

Aniya, kid-friendly at pampamilya ang ‘Harry & Patty’ na dinirek ng acclaimed director ng ‘Deadma Walking’ na si Julius Alfonso.

***

Kaastigan ni Anne huhusgahan na

Si Anne Curtis ay hindi na ma-contain ang excitement sa pagbubukas sa mga sinehan today ng kanyang unang sabak sa hard action, na gustung-gusto na niyang mapanood ng Pinoy audience.

“All the international reviews have made my heart so happy BUT I cannot wait to hear what YOU have to say about our film, my loves!” sey ni Anne sa kanyang Instagram post.

Naka-quote sa kanyang ‘BuyBust’ pic ang soundbite mula sa review ng Variety na, “Curtis is convincing and charismatic as the determined and ama­zingly resourceful heroine.”

Related Posts

In fairness sa bagong obra ni Direk Erik Matti, consistent ang mga papuri rito ng international critics.

Wagi ‘yung sabi ng reviewer ng Screen Daily na, “Matti has delivered one of the most blistering action pictures since ‘Mad Max: Fury Road’.”

Sobrang sulit ang lahat ng effort ni Anne sa pinakamahirap na pelikulang ginawa niya sa buong 21 years ng kanyang showbiz career.

Hindi siya natakot kahit sa simula pa lang ay alam niyang physically, mentally and emotio­nally challenging ito at sobra siyang naging happy sa kinalabasan.

Gusto raw patunayan ni Anne sa astig na pelikulang ito na, “Even ladies can be badass too!” at mukhang nagawa ‘yon nang bonggang-bongga ng kung tawagin ni Joross Gamboa ay Angelina Jolie ng ‘Pinas.

Tatamaan ang ‘BuyBust’ kapag nagsimula na ang Pista ng Pelikulang Pilipino (August 15-21), so mawawala ito sa lahat ng cinemas nationwide.

Ayon sa tweet ni Anne, babalik na lang ang ‘BuyBust’ sa mga sinehan pagkatapos ng PPP 2018.
***

Maine, Dingdong sinuportahan si Alden

Ramdam na ramdam ang todong suporta ng GMA network sa kasisimula lang na primetime series ni Alden Richards na ‘Victor Magtanggol’.

Karamihan ng Kapuso stars ay may mga post sa social media bilang support sa highly-promoted telefantasya ng Pambansang Bae.

Bet na bet namin ‘yung witty tweet ni Dingdong Dantes kay Alden na, “You nailed it, bro!” tapos ay may emoji ng hammer at thumbs up sign.

May mga eksenang gumagamit ng pako at martilyo ang mahilig magkarpintero na si Victor at later on ay tatawagin itong Hammerman.

Ang dami namang natuwa sa tweet ng Maine Mendoza na kino-congratulate nito si Alden sa dream project nito. Sinabi pa ni Meng na lagi siyang nakasuporta kay Tisoy.

Parang ngayon ina­ani ni Alden ang lahat ng goodwill na itinanim niya sa industriya all these years.

Sana nga ay mama­yagpag sa rating ang ‘Victor Magtanggol’ ni Alden, kahit pa kahapon ay may nilabas nang results ang katapat na programa na sinasabing hindi pa rin sila natinag sa rural at national ratings.