Abante Tonite Interactive

Ai Ai-Bayani pinapauso ni Pops

0 577

ni Vinia Vivar

Nagsama-sama for the first time ang mga ‘Feelennial’ na sina Ai Ai delas Alas, Bayani Agbayani­ at Pops Fernandez sa pelikulang “Feele­nnial (Feeling Millennial)” directed by Rechie del Carmen who is getting her big break sa film direction after so many years.

Si Pops, aside from being the producer via her DSL Productions, ay may cameo rin sa film. Ito rin ang first time niya na mag-produce ng pelikula mula sa pagiging concert producer.

Ayon kay Pops, fan siya talaga ng come­dy films at ito ang nakakapagpaalis ng kanyang mga stress at pagod kapag galing sa trabaho kaya naman naisip niyang for her first film production ay ang genre na ito ang gawin niya. Sa pagbuo ng cast ay nagtulong sila ni direk Rechie at naisip nila ang tambalang AiNi (Bayani-Ai Ai).

Ayon kay Ai Ai, nagpapasalamat siya at nagkapareha sila ni Bayani dahil dito raw nila nakitang dalawa na may chemistry pala sila.

“Nu’ng napanood ko ‘yung movie, kasi nga nag-dubbing kami ng ibang parts, sabi ko sa sarili ko, ‘ay, meron na ulit akong bagong ka-love team.’ Kasi nakita ko ‘yung parang closeness and puso namin kay Bossing (Vic Sotto), eh. ‘Yun talaga ang ka-love team ko, eh.

“Pero nu’ng napanood ko kami ni Baya­ni, sabi ko, ‘ay, may bago na akong ka-love team.’ ‘Yung ganu’n. May kilig factor, eh, ‘pag nanonood ka ng pelikula. So, cute,” sabi ni Ai Ai.

Sabi pa ni Comedy Queen, sa tingin daw niya ay si Yani (nickname ni Bayani) na ang magiging ka-love team niya nang matagal, na ikinatuwa naman ng komedyante.

“Napaka-suwerte ko naman,” sabi ni Bayani. Lahat naman ng naka-leading man nito – Robin Padilla, puro matitindi, Vic Sotto – tapos nalinya ako, thank you Lord! It’s a miracle!”

May pressure ba sa kanila in terms of box-office gross since may krisis nga ngayon sa movie industry at hindi kumikita lately ang mga pelikula?

“Ako, honestly, hindi,” ani Bayani,­ “kasi ang lagi kong dinadasal sa Pangi­noong Diyos, ‘bigyan mo ako ng blessing,­ sa panahon Mo, in Your time. Kung hindi Mo ibibigay sa akin, okay lang.’

“Ang word kasi dapat lagi sa buhay natin, acceptance, eh.

“Kung anuman ang mangyayari sa atin, dapat nating tanggapin. Pero, kapag binigyan niya tayo ng bonus, binigyan niya tayo ng blessings, sala­mat po, Diyos. Salamat sa lahat.

“Kasi ‘yun pa lang hanggang nga­yon, nandidito pa kami sa industriya, bonus na, eh. So, wala na kaming dapat pang hilingin. Parang napaka­damot naman namin kung hindi lang kumita ang pelikula namin, hindi na namin matatanggap, made-depress na kami.

“Kung anuman po ang mangyari, ­Diyos na po ang bahala at siyempre, ka­yong lahat na manonood.”

Gayon din ang sentimyento ni Ai Ai, “Pag gusto ni Lord, Siya ‘yung masusunod. ‘Pag hindi, mayroon Siyang ibang plano para sa ‘yo,” aniya.

Walang panahon sa sex

Ayon kay Pops, bagama’t mahirap ang pagiging first time-movie producer at napakaraming challenges, nag-enjoy naman daw siya doing the film at very much satisfied siya sa trabaho nina Ai Ai at Bayani, pati na ang buong cast.

“Ako, basta ako, happy naman ako sa project na ‘to. Si Baya­ni kasi, mayroon kaming common friends, napakadali niyang katrabaho. And very helpful si Bayani, nakakaintindi siya ng mga sentiments ng producer at naturally funny si Bayani. Maski na ayaw mo na siyang magpatawa, nakakatawa pa rin siya,” sey ni Pops.

Si Ai Ai naman daw ay itinuturing niyang good luck charm dahil lahat ng pinagsamahan nilang concerts ay successful lahat.

“Bale lumalabas na rin po, good luck charm ko si Ai Ai, actually.
Natanong din kay Pops kung bakit tumigil na siyang mag-artista at aniya ay hindi naman daw sa ayaw niya.

“Kaya lang, mahirap mag-artista, ha, ‘di ba? The long hours… Not that I didn’t enjoy before, sobra akong nag-enjoy siyempre. Kaya lang, parang gusto ko munang mag-focus din muna sa business saka sa production,” saad ni Pops.

Pero hindi naman niya isinasara nang tuluyan ang pinto niya sa pag-arte.
Sa “Feelennial” ay may cameo role si Pops na sey niya ay talagang pinilit siya nang bongga ni direk Rechie.

“Pinilit niya ako dito, nakakaloka, Pilit na pilit. Pero ‘pag napanood niyo po, akma naman sa story. Malalaman n’yo kung bakit.”

Natanong din si Pops, kung sino ang boyfriend niya ngayon at aniya ay wala raw.

Kumusta ang sex life niya?

“Wala rin, ano ba?” natatawa niyang sabi.

“Alam mo, after a while na single ka na nang matagal, tapos, happy ka naman at kung baga, feeling accomplished ka naman, after a while, hindi ka na naman naghahanap ng partner.

“Okay na rin na. Basta happy, I’m happy and I’m happy with my family, I’m happy with the group of friends that I have, tapos sobra rin naman akong busy.

“Pero hindi ko naman po sinasabing hindi ako magkaka-love life. Sana po. Pero hindi ko na siya hinihintay-hintay. Dara­ting din ‘yun,” pahayag ng Concert Queen.

Showing na sa June 19 ang “Feelennial (Feeling Millennial)” sa mga sinehan.

Kuripot, danggit ang ipinakain sa AiNi

Ang bida niyang si Ai Ai delas Alas ay millennial ang dyowa. Siya ba, naranasan na niyang magkaroon ng boyfriend na millennial?

Natawa si Ms. Pops at ang sagot sa amin, “Bago pa yata mauso ang word na millennial, naranasan na natin ‘yan. Ha! Ha! Ha! Ako yata nag-imbento ng word na millennial! Ha! Ha! Ha!”

Oo nga pala. Naging boyfriend niya dati ang guwapong Fil-Aussie hunk na si Brad Turvey, at siyempre si Papa P, Piolo Pascual.

Puring-puri nina Ai Ai at Bayani si Pipay dahil mabait daw itong producer. Artista rin daw kasi ito, so alam nito kung paano mag-alaga ng kapwa artista.

Pero may hirit din si Bayani na matipid si Pops at danggit ang pinapa­kain sa kanila sa set. Natatawang reak ni Pipay, hindi naman daw danggit lang, may tuyo rin paminsan-minsan.

Fan ng comedy films ang original Concert Queen. She loves to laugh kaya come­dy talaga ang gusto niyang first movie project.

Pati ang ex-hubby niyang si Martin Nievera (as himself) ay may cameo sa movie.

Ang anak nilang si Robin Nievera ang gumawa ng musical score at may sinulat din itong kanta for the movie. Si Ram naman ay may ginawang maiksing animation.

May cameo rin sa “Feelennial” si Paolo Ballesteros, pati sina Alden Richards, Derek Ramsay at Tonton Gutierrez (via pictures). (Allan Diones)