Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ai Ai ‘binaboy’ kanta ng Blackpink

0 130

Katakot-takot na pangba-bash ang inabot ni Ai Ai delas Alas mula sa mga fans ng sikat na South Korean girl group na BLACKPINK.

Ito ay dahil sa performance niya ng sikat na kanta ng grupo na Lovesick Girls last Christmas Day sa The Clash Christmas Special Concert.

Hindi nagustuhan ng Blinks (tawag sa fans ng BLACKPINK) ang ginawa ni Ai Ai dahil insulto raw ito sa nasabing kanta pati na rin sa Korean language and culture.

Makikita kasi sa performance ng Comedy Queen na mali-mali ang lyrics ni Ai Ai ng nasabing song at kung anik-anik na gibberish words lang ang kanyang inawit na siyempre ay bahagi ng kanyang pagpapatawa.

Galit na galit ang Blinks at ang iba’y violent reaction talaga.
Narito ang ilan sa mga comments:

“Stop using kpop para magpasikat.. Okay lang kung inaral mo kahit konti yung kanta.. Kapag OPM kaya salaulain at bastusin matutuwa kaba?”

“This is borderline racist. She’s obviously saying the words in gibberish manner. And that costume?? I said borderline kasi she can argue naman that she doesn’t speak Korean. Pero hindi mo na nga mabigkas, kakantahin mo pa?”

“Denormalize aiai delas alas trashing blackpink songs PLEASE.”

“Petition for ms. aiai delas alas to stop covering blackpink’s song. call me kj or whatever but at this point she’s being disrespectful and just mocking their language. if you want to cover their songs atleast memorize the RIGHT lyrics.”

– “Akala ko ako lang di natutuwa. Miss Ai Ai, pls stop. Not funny and entertaining at all. Imagine how hard @BLACKPINK
tries to write songs and do diff prods tas ikaw bababuyin mo lang acting like a fool who does not know how to sing? At least, learn the Korean language as respect!”
– “It isn’t funny anymore, mrs. aiai, respect the song, blackpink, and the language.”
– “Xan aiai delas alas stop disrespecting Blackpink’s song? she’s not even a singer ffs she can’t even sing the lines properly.”
Pero kung marami ang nagalit ay may mga natuwa rin naman at naliw
sa performance ni AiAi.
“The 5th member of Blackpink Ms. AIAI DELAS ALAS just did it again as she is still TOP-TRENDING in Twitter with 26K+ plus tweets more than 4 hours after her performance at #TheClashChristmasSpecial! NAG-IISA KA LANG TALAGA!!!” tweet ng isang netizen.
“Love seeing AiAi as the only representative in Blackpink on SBS but she nailed it and killed the stage!! She OWNED THE STAGE RIGHT HERE YALL! Her vocals tho. huhu I hope the rest of the girls could join her now,” papuri naman ng isa pa.
Ang isa namang netizen ay ipinagtanggol si AiAi sa mga haters. Comment niya, “Aiai’s an avid fan of Blackpink. And in case you’ve forgotten, she’s the comedy concert queen. We can’t expect her to sing BP’s songs clearly (and perfectly). Kpop yon ih. Isa pa, nasimulan ninyo na siyang bigyan ng atensyon diyan. So why the hate now?”
Well, ang masasabi lang namin, the fact na nag-trending si AiAi sa Twitter, this means winner at successful ang kanyang performance dahil marami ang nanood at nag-react.

Leave A Reply

Your email address will not be published.