Abante Tonite Interactive

Ai Ai dedma sa poser, ayaw manloko

379

May social media account ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas kaya naman nakaka-relate siya sa mga millennial at maging sa mga feele­nnial (or feeling millennial).

“Kailangan kasi siya sa trabaho natin para i-update mo ‘yung mga fan sa mga ganap sa buhay mo,” sey niya.

Sey pa niya, kung noon ay nag-deactivate siya ng kanyang Twitter at Instagram dahil naging toxic ito para sa kanya, ngayon ay natuto na raw siya. Ginagamit daw niya ito responsibly at para mag-spread ng good news.
“Siyempre, dapat lang na positive ‘yung mga ipino-post mo para makapag-inspire ka ng mga tao… at saka I owe it sa kanila na malaman nila ang nangyayari sa buhay ko,” paliwanag niya.

Isang poser sa social media ang role ni Ai Ai sa “Feelennials” pero sa totoong buhay ay ayaw niyang gawin ito.

“Doon tayo sa legit. Ayaw naman na­ting manloko ng tao,” ani Ai Ai.
Aminado rin siyang ilang beses na rin siyang na-bash sa social media pero ngayon daw ay mas alam na niya kung paano ito i-handle.

First team-up nina Ai Ai at Bayani Agba­yani ang “Feelennial”, ang feel-good movie na iprinudyus ng Cignal Entertainment at DSL Productions ni Pops Fernandez na kasalukuyang palabas na sa mga sinehan. (Archie Liao)