Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ai Ai di kawalan kay Nora

0 66

NI : Archie Liao

Hanggang ngayon, ayaw pa ring tantanan ng true-blooded Noranians ang komedyanang si Ai Ai delas Alas.

Naba-bash umano ng mga faney ni Ate Guy ang Kapuso actress. Ito’y dahil sa naging pabirong “emote” raw nito na di niya feel makatrabaho ang Superstar dahil isa siyang certified Vilmanian.

Sa kampo naman ni La Aunor, may mga lumutang din daw na tsika na hindi siya bet na makatrabaho ng multi-awarded actress dahil sa tinuran niyang iyon.

Depensa naman ng mga nakakakilala sa tinaguriang Superstar, hindi raw ganoon ang ugali ng kanilang idol.

Hindi raw namimili ng katrabaho ng magaling na aktres at hanggang ngayon ay down-to-earth pa rin daw ito.

Katunayan, buhay na testimonya raw dito sina Rosanna Roces, Jaclyn Jose at maging si Judy Ann Santos na hindi inuuri ang makakasama nito sa proyekto.

Pagtataray pa ng ibang mahadera, kung totoo raw na nasabi ito ng komedyana, hindi raw naman ito kawalan ni Nora.

Sa ngayon daw ay marami pa ring mga artista at maging mga baguhan na pangarap ang makatrabaho ang nag-iisang Superstar.

Leave A Reply

Your email address will not be published.