Abante Tonite Interactive

Ai Ai diretso ang paglagapak

0 769

Ang pagre-reyna bilang Comedy Queen ni Ai Ai delas Alas tapos na nga ba? Iyan ang tanong sa naglalaro sa maraming natatakot at nalulungkot para sa Comedy Queen. Bakit kaniyo? Kasi nga, hindi blooming at booming sa takilya ang kanyang mga pelikulang pinagbidahan.

Strike one, ang “S.O.N.S Sons of Nanay Sabel” kung saan kasama niya ang mga pasaway na inalagaang hip-hop group, ang Ex-Batallion. Pangmalakasan ang pagparunggit ng mga ilang Ex-B member na “pinagkakitaan” sila ni Ms. A at kung ano man ang nararamdaman nito para sa kanila, may emote nga bang “the feeling is mutual?”

Pangalawang strike, ang “Feelennial: Feeling Millennial,” ang daming laugh out loud moments ang pelikula at hindi puwedeng itanggi ang palpable chemistry nila ni Bayani Agbayani pero ang inaasahang limpak-limpak na kikitain nito sa box-office, hindi na-achieve kahit pa nga may return of investment ito para sa mga producer.

Ang panghuling lagapak, ang “And Ai…Thankyou.” Gone with the wind, gone too soon, gone in 60 seconds and lost in space and emotion nga ba ito sa mga sinehan?

Panahon na ba para ipahinga na niya muna ang kanyang pagiging Comedy Queen at mag-concentrate sa pagiging dramatic actress?

Ang mga kritiko, local man o international, pati na rin ang kanyang adoring public, hinahanggan ang kanyang madamdamin at matapang na pagganap sa kanyang mga pelikulang “Area” at “School Service” . Nagbigay pa ito ng karangalan siya para sa bansa dahil may mga international best actress trophies siyang inuwi. May Balanghai na rin siya mula sa Cinemalaya.

Ang the late Mang Dolphy, ang nag-iisang Comedy King, sina Vic Sotto, Joey de Leon, at Roderick Paulate, mga naghaharing uri rin sa comedy, may kanilang fair share of not so big movies at the box-office rin pero sa tamang panahon at tamang proyekto, nakakabawi at tumitiba muli ang pelikula.

Ano nga kayang pelikula ang dapat ibigay o gawin ni Ms. AiAi delas Alas para muling bumalik ang kanyang pamamayagpag sa larangan ng pagpapasaya at pagpapatawa sa mga manonood?

Para mas marahuyo muli ang mga taong beyond her adoring public, what kind of comedy reinvention kaya ang bagay na bagay sa kanya na talagang hindi lang yayakapin, kundi mamahalin nating lahat?

Ipagdasal din natin ang kanyang safety at security para ang akyat bahay episode na kanyang naranasan kamakailan ay hindi na maulit pang muli.

Si Ai Ai delas Alas ay buhay na patotoo na you cannot put a good and talented woman down kaya ang survivor na ito, will rise again like a phoenix.

Alden-Catriona bet dumalo sa Star Magic Ball?

May advocacy film bang ilalabas ang Philippines’ Fourth Ms. Universe Catriona Gray? Ito kaya ay tungkol sa all the bashing and all the hating na being spread sa social media like wild fire.

Talaga namang may epekto sa mga taong hindi confidently beautiful kung sino man sila.

May teaser clip na kasing ipinalabas at ang pahayag ni Catriona dito: “I’ve been anxiously waiting for the moment the rest of the world gets to finally see this. I feel like you will all relate to the story and message once you watch this gorgeous film. Soon!”

Ang ganda-ganda ni Bb. Gray sa nasabing movie clip. Naka-royal blue deconstructed terno blouse na pangabog ang butterfly sleeves at ang plunging V-neck nito paired with black pants and stilettos.

As always, the camera loves her at wala siyang anggulong pangit. Ang make up niya sa clip, clean and fresh lamang kaya mas enhanced why she is universally gorgeous.

May chika na ang ating Pambansang Bae Alden Richards, isa sa nasa wish list niya na makasama si Bb. Gray sa isang proyekto. Naway ang hiling na ito ni Richard ay magkatotoo. Alden plus Catriona equals spectacular, spectacular pairing hindi ba naman?

Kung totoo rin ang chika na bet dumalo ni Alden sa Star Magic Ball, at kung saka-sakaling nasa bansa si Bb. Gray, may posibilidad kayang sila ay magkasamang dumalo sa nasabing pangmalakasang payanig?

Vice binigyan ng engagement ring ni Ion

Ang Queen Bayot, totoo nga ba ang chikang may-engagement ring na daw na ibinigay si Ion Perez sa kanya? Kung talaga ngang may ganitong kaganapan, sina Vice at Ion ba ay buhay na patotoo sa matandang kasabihan na “what you see is what you get?”

Na hindi na kailangang may deretsahang pag-amin pa kasi nga araw-araw sa “It’s Showtime,” kitang-kita naman ang ebidensya?

Kung para sa mga boy, girl, bakla at tomboy, walang masama sa relasyong Jose Marie Viceral at Benigno Perez. Sa mga nakakainis na nagmamalinis at doon sa hindi pa rin nakaka-move on sa dramang pera at kasikatan lang ni Vice ang nasa ni Ion, bitter-bitteran. May paghahangad na tilamsikan ang dalawa ng banal na tubig para umusok at tumigil na sa kanilang harutan?

Alam na nina Vice at Ion ang what is best for them .Kahit pa nga may totoong may singsing o wala, malaking tagumpay na ang kanilang ginagawang lambingan sa “It’s Showtime” para ang madlang pipol at balana, makasanayan ang sinasabing “kakaibang pagmamahalan.”