Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ai Ai, Gerald gagawa ng baby sa Amerika

0 458

NI: ARCHIE LIAO

Iniintriga ang pagpunta ni Ai Ai delas Alas at ng mister nitong si Gerald Sibayan sa Amerika ngayong Mayo 28.

Ayon sa komedyana,bibiyahe siya ng Estados Unidos dahil nakatakdang mamanhikan sa kanyang nag-iisang anak na babae na si Sophia ang fiancé nitong si Vince Bautista.

Nakatakda rin daw pag-usapan ang church wedding ng dalawa kaya kailangan siyang present doon.

Balak din daw niyang bisitahin ang kanyang anak na si Nicolo na matagal na niyang hindi nakikita simula nang magkaroon ng pandemya.

SM food to go Banner Ad

Tulad ng Megastar na si Sharon Cuneta,balak din daw niyang magpabakuna doon.

Halos isang buwang mananatili si Ai Ai sa Amerika dahil gusto rin niyang ma-refresh at ma-recharge.

Once in a while, utang din daw niya sa sarili ang magkaroon ng bakasyon at maka-experience ng bagong scenery lalo na’t limitado pa rin ang mobilidad ng mga tao sa NCR bubble.

May ilan namang kibitzers ang inuurot ang komedyana na umano’y doon gagawa ng baby sina Ai Ai at Gerald.

Matatandaang noon ay sinabi ng showbiz couple na balak nilang magka-baby sa pamamagitan ng in vitro fertilization (IVF) ngayong taon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.