Abante Tonite Interactive

Ai Ai halimaw ‘pag gutom

0 355

Sa kauna-unahang gaganap bilang sikat artista si Ai Ai Delas Alas na malapit nang mamatay.

Pagbibidahan niya ang pelikulang “And Ai Thank You”

Katulad na lamang ng kanyang karakter, aminado si AiAi na nag-iiba ang ugali niya sa tuwing may pinagdadaanan sa buhay. Marami kasing artista ang makaka-relate sa pelikulang ito.

Aniya, “Oo, natural talaga yun, hindi lang artista ang ganun. Kahit kayo sa press ganun kayo, kasi di ba .. marami kayong pinagdadaanan, may mga bwisit sa buhay nyo, ‘di ba minsan kapag kayo ang breadwinner tapos ang dami n’yong problema, di’ba magdidilim ang paningin niyo. Tapos sasabay pa si ‘ganito, si ganito’, tapos sasabay sabay lahat.”

Aminado siya na hindi maiwasan maging mainitin ang ulo at nagiging ‘halimaw’.

Paliwanag niya, “Minsan naman talaga sa showbusiness, ‘di mo na alam na magiging ganun ka, kasi sa pagod at walang tulog, iinit talaga ang ulo mo.

Kasi ikaw ba naman hindi matulog ng ilang araw, ‘di iinit ulo mo. Ganun talaga, tsaka gutom ka pa.”

Anyway, mapapanood nationwide ang “And Ai Thank You” sa darating na August 14. Ito ay sa direksyon ni Joven Tan. (Ronaline Avecilla)