Abante Tonite Interactive

Ai Ai-Joel nakakatakot, nakakapagod

871

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio

Ang School Service ni Direk Louie Ignacio ang pangatlong pelikulang pinanood ko sa kasalukuyang Cinemalaya 14.

Hindi madaling maupo sa Tanghalang Nicanor Abelardo kasi ang pinapakita sa pelikula, we see and experience on a daily basis at manhid na nga tayo sa kanila, tanggap na natin na ang mga batang lansangan, mga pulubi at palaboy, kasama na kultura natin, way of life na baga.

Ang nakakaalarma, they grow exponentially and government, and even society at large, does not longer know what to with these outcasts.

We give them alms, pero hindi naman bukal sa mga puso natin. Pabalat bunga ang pagtulong at pagsisikap na mapabuti ang kanilang buhay. Basta, hindi nila tayo kinukulit at iniistorbo, our lives go on.

Isa sa eksenang sobrang may tama sa akin, ‘yung ang mga bata sa pelikula, tinatanong ni Maya kung ano ang kanilang mga pangarap, kung bakit ayaw na nilang umuwi. And it does help that all the young actors, lalo na si Therese Malvar, Felixia Dizon, Kenken Nuyad at Celine Juan, kay huhusay talaga. Aakalain mo talaga silang mga batang lansangan sila na ‘masaya’ na sa kanilang pamilya.

Panalo ang screen presence ni Kevin Sagra bilang kasintahan ni Joel Lamangan.

Si Joel, bilang patriarch at si Ai-Ai delas Alas, na tumatayong mother hen sa School Service, bring in strong performances. Silang dalawa, nakakagitla, nakakatakot, nakakapagod pero ang kanilang mga katauhan, may puso pa rin pala na marunong magmalasakit at magmahal.
***

Gina, Phillip walang script ang balik-tambalan

Walang duda na isa sa pinakamagiging kontrobersiyal na pelikula ngayong ay ang ‘Madilim ang Gabi’, pelikula ni Direk Adolf Alix kung saan ang bida ay sina Phillip Salvador, Bembol Roco, Gina Alajar at marami pang iba.

Pang-30 pelikula ito ni Direk Adolf at sadyang matapang at mapanga­has ang pelikula dahil ang ipapakita nito ang punto de vista ng mga pamil­yang apektado at sangkot sa all-out war against drugs.

Kuwento ni Alix, “Paborito ko ang team up nina Nanay Gina at Sir Phillip. Sa mga pelikula nilang Bayan Ko: Kapit Sa Patalim at Oropronobis ko sila hinangaan. Magagaling sila, matatapang ang kanilang pelikula at naisip ko, maganda siguro na sa panahong ito, sila muli ang maging bida sa pelikula na tumatalakay sa war on drugs.”

Chika pa ni Direk Adolf, “Wala kaming script rito. Kaya ang mga linyahan namin, organic talaga. I just give them the sequence, the situation, tapos sila na ang bahala sa mga linya nila. Ang resulta tuloy, totoong-totoo, ang damdamin, ‘yung daloy. And it really helps that my actors in this movie, are some of the best actors that we have. Living icons na talaga sila. At alam mong mahuhusay.”

Sabi ni Ms. Gina Alajar, “Hindi naman bago sa akin ‘yung walang script. Panahon pa ni Direk Temyong Marquez, ganiyan na. Si Direk Carlos Caparas, ‘yung script, sa yellow paper nakasulat. Mahaba ‘yun. May instructions. Si Direk Danny Zialcita, sa palara ng sigarilyo. Hahahaha! Challen­ging na challenging pag ganun. Kasi dapat matatandaan mo ‘yung mga sinabi kung sakalin may take two. At acting is always reacting eh. Kung mahusay at matalino ang kaeksena mo at talagang makatotohanang damdamin ang binibigay niya sa iyo, ganu’n ka rin siyempre.”

Kamustang katrabaho si Phillip? Maagap na sagot ni Alajar, “Si Ipe always has a very strong presence. Pero dahil nga kilala ko na siya, alam ko kung what strings to pull para maayos ang mga eksena namin.”

Kuwento pa ni Ms. Gina, “‘Yung kuwento nito, base sa pagsasaliksik, may mga totoong tao at pangyayaring pinagbasehan. Sa pelikula, magulang ang nagsasalita. Kung ano ang kanilang pinagdaanan para mahanap ang anak na kataka-takang nawala. ‘Yung fear. ‘Yung anger. ‘Yung anxiety. ‘Yun bang, kami, ‘yung mga katauhan namin, gusto na namin ang maayos na buhay. Kaso, eto na, may bagong pagsubok na namang haharapin.”