Abante Tonite Interactive

Ai Ai, kabog ang bold stars

183

NO doubt, very successful si Pops Fernandez pagdating sa pagiging concert producer.

Malaking tagumpay ang prinodyus niya na Ai Meets Lani (Lani, May Ai) sa KIA Theater noong Sabado.

Masayang-masaya sina Ai Ai delas Alas at Lani Mercado sa success ng kanilang first major concert together.

May ibang mga nagsabi na dapat ay ginawa nang two nights ‘yon ni Pops, pero sabi ng original concert queen turned concert producer, puwedeng planuhin ang repeat depende sa schedules nina Ai Ai at Lani.

Bago nagsimula ang concert, nagkaron ng ‘company call’ at sabay-sabay silang nagdasal na pinangunahan ng direktor nilang si Floy Quintos.

Pinagsalita rin si Pops na noong una ay ayaw sana, pero napilit din at halos maiyak siya.

Isa sa mga sinabi ni Pops pagkatapos pasa­lamatan ang lahat ng involved sa concert na ‘yon ay ang katotohanang may ‘pinagdadaanan’ siya dahil sa health crisis ng isang kapamilya, na ayaw na rin niyang i-discuss in public.

Habang inaayos ni Pops ang tungkol sa nasa­bing concert ay may iba pa siyang ‘inaayos’ kaya malaki ang pasasalamat niya sa lahat ng mga tumulong para sa tagum­pay ng nasabing concert.

Marami ang naaliw sa Ai Meets Lani dahil bagay na tandem sina Ai Ai at Lani sa ganoong klase ng concert.

Pasabog din ang costumes nila, lalo na si Ai Ai na sobrang sexy na at talagang ‘titillating’ ang body stockings with sequins lang na suot, huh!

Maluluma kay Ai Ai ang mga bold star, ‘noh?!

Ay, teka! Hindi na pala uso ang mga bold star ngayon, ano kaya ang dapat na gawing title kay Ai Ai?

The Ultimate Sexy Comedienne?
Well…

***

May special appearance sa Ai Meets Lani (Lani, May Ai) si Alden Richards.

Hindi dapat pagtakhan ang paglabas doon ni Alden dahil bukod sa magkasama sila ni Ai Ai sa Sunday Pinasaya ay co-produced ng GMA 7 ang nasabing comcert.

Ipapalabas sa Kapuso network ang concert na ‘yon bilang TV special.

***

Kahit taga-ABS-CBN si Julius Babao, nanood siya ng Ai Meets Lani (Lani, May Ai) kasama ang misis na si Cristine Bersola-Babao.

Siguradong natuwa si Cristine sa participation ni Alden sa nasabing concert.

Hindi ba at very vocal si Cristine sa pagsa­sabing favorite niya sina Alden at Maine Mendoza to the point na may mga nang-iintriga pa na nakikisakay siya sa popularity ng AlDub?

Sayang at ang isang common friend namin na malapit nang ikasal ang topic ng tsikahan namin nina Julius at Cristine.

Hindi tuloy namin sila natanong tungkol sa pang-iintriga ng iba sa pagiging AlDub fanatic ni Cristine, huh!

Tonite – Wendys Inhouse Ad