Abante Tonite Interactive

Ai Ai may hugot kay Tulfo

0 1,473

Naglabas ng hinaing si Ai Ai delas Alas sa kanyang Instagram hinggil sa mga katulong na abusado. Ito ang reaksyon niya sa mga kasambahay na pumupunta kay Raffy Tulfo para magsumbong.

Aniya sa Instagram, “Eto ang parate ko minsan tanong sa sarili ko pag nakikinig ako ng tulfo in action lalo na pag mga nag rereklamong kasambahay sa amo nila … paano kung kami naman mga amo na mababait pero masasama naman ang ugali ng ibang kasambahay na nakukuha namin .. bastos , nag dadabog konteng bagay nag rereklamo .. tapos kami tahimik na na ha highblood.”

Hindi na naiwasan ng comedy actress na mabuwisit lalo na at ang katulong ay kukuhanin ng agency at kukunsintihin.

Sey niya pa, “Ibibigay sa ibang employer at malamang mag kwe kwento ng kabaligtaran sa among bago na sila ang victim pero sa totoong buhay sila ang kups at nam na biktima.. alam na alam m na mangyayre parang soap.. minsan madaling maging tao mahirap mag pakatao .. hay buhay.”

Tila may hugot ang aktres sa kanyang hinaing sa mga kasambahay. Hindi kaya minsan na rin siyang inabuso ng sariling katulong? Ang sey pa nga niya ay bigyan din ng hustisya ang mga employer. Bahagi ng hashtag ay tungkol sa maayos na pagpili ng mga agency.

Naka-relate naman ang ibang netizen sa hinaing niya. Ang pagkakahanap umano ng mabait na katulong ay swertehin na, sinang-ayunan naman ito ng comedy star.

Komento pa ng ibang netizen,

@sallytejada, “relate… minsan nakakadala rin kumuha ng katulong. Kasi inaabuso nila yung kabutihan ng amo nila. Ikaw na ang amo ang magaadjust sa ugali nila. Hays…”

@reeyalipstick, “Yung mga helpers ko na ganyan, mga hindi nagtagumpay sa buhay. While yung mababait ko na kasambahay, maganda na ang buhay. Parehong nakatapos ng college.” (Rona Ronda)