Abante Tonite Interactive

Ai Ai, Mylene, Sunshine salpukan sa takilya

362

May tatlong pelikulang Pilipino ang magsasabong sa takilya sa susunod na linggo, ang “Belle Douleur”, “Malamaya” at “And Ai, Thank You.”

Ang unang dalawang pelikula ay mga film in competition sa Cinemalaya at parehong may cougar and cub story arcs ang mga ito.

Sa “Belle”, ang mga bida ay sina Mylene Dizon at Kit Thompson. Sa “Malamaya”, sina Sunshine Cruz at Enzo Pineda ang nagsasalo sa isang May-December affair. Sa totoong buhay, si Ms. Ai Ai delas Alas, younger man ang pinakasalan, si Gerald Sibayan at limang taon na going strong na ang kanilang relasyon.

Ang tatlong pelikulang ito, ano kaya ang magiging kapalaran sa takilya?
Sa mga magkakabugan sa sinehan, may isa sa kanila na puwedeng maging “Hello, Love, Goodbye” na come hell or high water, sugod ang balana, dabarkads at madlang pipol sa mga sinehan?

Wala pa sa mga sinehan ang pelikula ni Ms. Ai, kung saan kasama niya sina Kakai Bautista, Juliana Parizcovia Segovia, Dennis Padilla at Rufa Mae Quinto na ang captain of their movie ship, si direk Joven Tan.

Ang dalawang pelikulang may May-December affair ang main theme, pawang mga babae ang director. Si lawyer turned film maker Joji Alonzo sa mas nagustuhan ko.

May reservations naman ang diva that you love sa Leilani Chavez at Danica Sta. Lucia movie.

Kit kumalembang ang balls

Kahit pa may panunukso si Kit na kung hindi edited out, tiyak kita ang pagkalembang ng kanyang testicles sa isang intimate scene, at kahit pa nga may payanig na handang siyang ibuyangyang ang kanyang pambihirang palo-palo sa pelikula.

Para sa diva that you love, “sophisticated” movie siya. Dama at kita mo na babaeng-babae ang direktor. May finesse. May subtlety pero you feel everything, lalo na ‘yung mga unspoken words. Mas dama mo ang passion, ang brewing romance at ‘yung erotic images, wala kang kabastusang mararamdaman dahil kita mo sa screen na ang mga katauhan, they were not having sex, they were making love.

Grabe sa galing si My-lene Dizon. Bilang babae na who found her freedom matapos maging mabuting anak at babae ayon sa dictates of society, alam mo how emotionally committed she is to her character, ang pagsagang sa katotohanang ipinaglalaban nito.

Sabi niya nga sa press payanig: “I’ve always wanted to do a theme like this. It happens to anybody. Why is it okay if a man is older and falls in love with a younger woman? Why is it taboo when an older woman falls in love with a younger man? When Atty. Joji showed me the clip of that French woman telling her story, that was very moving. I was not very concerned with how much love scene we are doing. I am confident enough that she would be true to her word na ito lang tayo. My worry was on the delivery of the message.”

Naku, Mylene, huwag kang mag-alala, at super d­elivered niyo ang katotohanan na “letting go has never been this beautifully and hearta-chingly told.”

Enzo ‘di matambok ang puwet

Masyado namang malamya ang “Malamaya”. Hindi mo alam kung tribute ito para sa mas mataas pang pagpapahalaga sa sining biswal. Ang p­agiging pa-high art nito, hindi madaling masasakyan lalo na nga’t lahat ng cliché tungkol sa pagkatao at personalidad of a visual artist, parang na kay Nora na lahat, ang katauhan ni Sunshine Cruz.

And ang worst, for all her “admirable” traits of being an artist who does not see the need of “selling” her art kasi for a higher cause ang emote ni Nora, sa callings of the loins and giving in to carnal desires, bagsak siya.

Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, wala kang init o libog na mararamdaman kina Sunshine at Migs, ang katauhan ni Enzo Pineda.
Parang walang apoy ang kanilang cinematic sexual congress. At dahil nga ang drama of the movie ay homage to visual arts and what they supposedly bring to the soul of the people, alienating at polarizing ang overall effect ng pelikula sa inyong diva that you love.

Ang common things na meron si Kit at Enzo, pareho silang matangkad, makinis, panalo ang katawang pang-romansa, at parehong hindi katambukan ang kanilang mga behind na hindi naman nila pinagmaramot.