Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ai Ai naglambing ng game show

0 98

NI: ALWIN IGNACIO

Mula sa isang impeachable source, ang Comedy Queen Ai Ai delas Alas, naglambing daw na magka-game show sa Kapuso network.

Totoo nga kaya ang chikang ito o pantasya lang? Kasi nga naman, kung kailan GMA Artist Center ang namamahala sa karera ni Ms. Ai, pansin na pansin na parang iisa lang yata ang show niya, ‘yung noontime variety show tuwing Linggo.

Ni hindi nga sigurado ang diva that you love kung kasali pa ang Comedy Queen sa nasabing show kasi nga pulos K drama ang pinapanood ko sa Netflix, huh! Hahahaha.

Kung naglambing man si Ai Ai sa kanyang pamunuan ng isang game show, wala namang masama. Karapatan niya iyun. And with her energy and talent, bagay na bagay talaga siyang mga-host ng programang magbibigay kasiyahan sa mga manonood.

Ang tanong, anong klaseng game show ba ang bagay sa personalidad at imahe ni Ai Ai? Dito masusubukan ang brain cells ng mga artistic at creative writing team sa Kapuso network. Pagsubok sa kakayahan nila kung ano ang karapat-dapat na game show para sa Comedy Queen.

Leave A Reply

Your email address will not be published.