Abante Tonite Interactive

Ai Ai, naluha sa usaping kasal dahil sa maysakit na ina…

27

Bahagyang napaluha naman si Ai Ai nang napag-usapan ang tungkol sa kasal dahil bukod sa kanya, ito rin daw ang matagal nang wish ng kanyang ina.

“‘Yun kasi ang dream ng nanay ko. Nu’ng isang araw kasi medyo na-accident siya, ‘yung kamay niya namaga. Tapos pumunta siya sa doktor namin. Ang sabi niya talaga, ‘Gusto kong gumaling kasi gusto ko ‘yung anak ko mailakad ko sa altar,” napaluhang pahayag ni Ai Ai sa presscon ng pelikula niyang Bes and the Beshies.

Naibahagi rin ni Ai Ai ang hirap na pinagdaanan nila nu’ng nag-apply sila ng kasal sa simbahan dahil sa dami raw ng requirements.

“Sa simbahan? Diyos ko po napakadami palang requirements,” bulalas nito.

“Kaya kumbaga, kapag iisipin mo na kunwari knock on wood kapag maghiwalay kayo, ‘yun muna ang iisipin mo na sa lahat na napagdaanan niyo sa requirements nito, hindi na ako makipaghiwalay,” sabi pa ni Ai Ai.

Nilinaw na rin ni Ai Ai na private lang daw ang kasal nila na kung saan magiging bahagi ang mga malalapit na kamag-anak at kaibigan, at ilang close friends sa media.

Magkakaroon din daw siya ng hiwalay na paghahanda para sa iba pang kaibigan at mga miyembro ng media na hindi nila maimbita sa mismong araw ng kasal.

Zsa Zsa, ayaw sa maluhong kasal kay Conrad “Magtanan na lang!” — Zsa Zsa

SA Star Magic Ball pa lang ay nagkuwento na ang magkasintahang Zsa Zsa Padilla at Architect Conrad Onglao tungkol sa balak nilang pagpapakasal. Ayaw lang nilang sabihin kung kailan pero may plano na raw. Ang gusto raw ni Conrad ay sa Europe, pero mas simple ang gusto ni Zsa Zsa.

“Gusto ko simple. Kasi siya ang may gusto ng Europe ganyan, he’s more romantic than me. “Ako mas practical. Sabi ko magtanan na lang tayo,” tsika ni Zsa Zsa.

‘Yun din uli ang sinabi ni Zsa Zsa nang humarap ito sa presscon ng pelikula nila ni Ai Ai delas Alas na Bes and The Beshies ng Cineko Productions na magsu-showing na sa October 18.

Sabi ni Zsa Zsa, dati raw ay naiisip pa niya ang dream wedding, ngayon daw ay iba na. Mas iniisip na raw niya ngayon ang retirement nila ni Conrad. Mas gusto raw niya ngayong mag-ipon na sa future nila kesa gastusin sa isang kasal.

Ani Zsa Zsa, “Like, ‘yung una pa lang kami nagsama sinabi ko na sa kanya, gusto ko 2 bedrooms.”

Dagdag pa niyang pahayag, “Sabi ko kailangan ko maliit na bahay para puwersado akong magluto, maglinis mga ganu’n. Tapos gusto namin mag-business, meron kaming property sa Palawan na puwede naming gawing B & B.

“Siya nga ‘yung palaging nag-i-insist na ano nga pala gawin natin sa wedding? Saka na lang natin pag-usapan ‘yan, sabi ko.”

Jessy, ‘pamilya’ na kung ituring ni Cong. Vilma

KASAL din ang napag-usapan sa magkasintahang Luis Manzano at Jessy Mendiola na sweet sa isa’t isa nang dumalo sa nakaraang Star Magic Ball. Ilang beses kasing natanong si Luis tungkol sa planong pagpapakasal, pero sinasabi ng Kapamilya actor/TV host na gusto muna niyang matupad ni Jessy ang lahat na mga pangarap niya bago nila planuhin ang pagpapakasal.

Na-touch si Jessy sa mga sinabing iyun ni Luis, pero mas natuwa ang host ng I Can See Your Voice sa sagot ng kasintahan.

Say Jessy, “Paano ‘yun mangyari eh natupad na ang dream ko sa kanya? Masaya naman ako sa kanya. Natupad naman ‘yung pangarap eh.”

Totoong may iba pang plano si Jessy, at wiling naman si Luis na maghintay. Suportado naman daw nito lahat ni Luis.

“Support naman siya kasi napapadali ang kasal namin eh. Pero ito sobrang patient niya, kapag sinabi kong wait lang, meron pa akong gustong gawin, sige lang go ko lang,” nakangiting pahayag ni Jessy.

Nagpapasalamat din ang Kapamilya actress dahil sobrang bait sa kanya ni Cong. Vilma Santos na pamilya na talaga ang turing sa kanya.