Abante Tonite Interactive

Ai Ai nauna sa billing, Jennylyn walang reklamo

1,102

“Hindi, okay lang ‘yun, hindi naman importante ‘yun, eh,” sagot ni Jennylyn Mercado nang tanungin namin kung happy ba siya sa billing niya sa Metro Manila Film Festival 2019 entry 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon with Coco Martin and Ai Ai delas Alas.

Sa poster kasi ng pelikula ay makikitang nauuna sa billing si Ai Ai at marami ang nagsabi na dapat ay siya ang una dahil siya ang leading lady ni Coco.

“Walang problema do’n, huwag n’yo nang gawing issue,” sey pa ni Jen.

When asked kung ano ang masasabi niya kay Coco bilang direktor, ani Jen ay napaka-maalaga raw nito at laging tinatanong sa kanya kung okay lang siya.

“Maya’t maya ‘yan, itse-check niya kung okay kaming lahat,” she said.

Feeling nga raw niya ay hindi na natutulog si Coco dahil ito na ang producer, ito pa rin ang direktor at artista ng movie.

“Nagte-taping pa ‘yan (ng FPJ’s Ang Probinsyano) bago pumunta sa shooting so, talagang bilib ako sa determination, sa passion niya, sa drive niya, sabi ko, ‘saan ba niya kinukuha ang energy niya?’ Makahingi nga, di ba? Grabe po talaga,” sey pa ni Jen.

Kaya ang payo niya sa kanyang direktor at leading man, “direk, pahinga rin, pag may time.”

Napakaganda raw ng experience niya while doing the film at iba nga rin daw ang atake nito bilang direktor.

Samantala, ngayong Pasko ay hindi raw sila lalabas ng bansa ng boyfriend na si Dennis Trillo at dito lang sila sa Pinas since may MMFF movie nga siya.

After ng MMFF, ratsada na si Jen para sa paghahanda ng first concert nila ni Dennis titled CoLove Live, The Concert na gaganapin sa Feb. 15 sa New Frontier Theater.

Kris ‘di type si Willie

Panay ang kantyaw na naman kay Kris Aquino ng mga netizen dahil sa ipinost niyang larawan nila ni Willie REvillame kasama ang kanyang dalawang anak na sina Joshua and Bimby.

Sa nasabing larawan ay para nga naman kasi silang isang masayang pamilyang apat at para silang magulang ng dalawang bata.

Kaya naman sa comments section ay may mga nag-comment na sana ay sila na lang dalawa.

Pero diniretso na agad ni Kris ang mga netizen na walang pwedeng ibang mangyari sa kanila ni Willie.

“We’re not interested in each other. Matulog na tayo,” ang straight to the point na sagot ni Kris.

May nagsabi namang parang supportive brother lang daw si Willie kay Kris and it’s better off that way.

Empoy ‘dinukot’ ang anak

Must watch ang episode ng Ipaglaban Mo ngayong Sabado, Dec. 14 dahil napapanahon ang kwento tungkol sa dinukot na bata sa panahon pa naman ng Kapaskuhan.

Gagampanan nina Empoy Marquez at Maxine Medina ang magulang ng batang dinukot na ginagampanan naman ng child star na si Aember Saini.

Pangalawang beses na itong nagkatrabaho nina Empoy at Maxine, ang una ay sa pelikulang Kusina King with Zanjoe Marudo at sobrang nag-enjoy daw siya katrabaho ang aktres dahil pinsan ito ng kaibigan niyang si Dianne Medina.

Ano ang masasabi niya kay Maxine?

“Sobrang ano siya, sobra siya, eh. Sobra ang height, alam mo ‘yun? Saka ang linis ng kuko niya,” puro kalokohang sagot ni Empoy sa Kapamilya Chat interview.

Sa trailer ay mukhang seryosong ama ang papel ni Empoy at hindi komedyante kaya naman nakaka-curious din talagang panoorin.

Mula sa direksyon ni Cathy Amarillo, kasama rin sa “Dinukot” episode si Kirst Viray at marami pang iba.