Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ai Ai ‘P10M’ ang budget sa video

0 121

VINIA VIVARTrue kaya na tumataginting na P10 million ang budget kay Ai Ai delas Alas para gawin ang campaign video na ginagaya niya si Quezon City Mayor Joy Belmonte habang ipino-promote ang kalaban nitong si Mike Defensor?

Sa online show nina Nay Lolit Solis and Mr. Fu last Tuesday ay guest nila si Mayor Joy at hiningan nila ito ng reaksyon hinggil sa video ni Ai Ai.

Very educated naman itong sinagot ng alkalde. Aniya ay hindi raw niya napanood ang video campaign ni AiAi pero matagal na nga raw niyang naririnig na may planong gumawa ng nakasisirang video ang kalaban patungkol sa kanya.

“In fact, ang hearsay – at hearsay lang ito ha, Marites lang ito – na ang budget nga nila is 10 million pesos,” pahayag ni Mayor Joy.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“I didn’t know what kind of video and who’s going to be at that time pero nun’g lumabas siya at maraming nagsabi na ang video na lumabas, very unsavory, very low, ganyan, naisip ko, siguro, ito na nga ang project na ‘yan,” dagdag niya.

Hindi na raw niya pinanood pa ang video pero ang dami raw na-offend and na-bad trip na mga kaibigan niya at supporters. Marami raw siyang trabahong kailangang gawin kaya hindi na raw niya ito pinagkaabalahang panoorin pa.

Mensahe naman ni Nay Lolit kay AiAi, “magkano ba AiAi? Masyado bang malaki para gawin mo ‘yan?”

Leave A Reply

Your email address will not be published.