Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ai Ai payag tagasalo ni Willie

0 289

Interesado pala si Ai Ai delas Alas na maging co-host ni Willie Revillame sa Wowowin. Tahasang nagparamdam si Comedy Queen sa TV host nang mag-text siya at tumawag pa habang ongoing ang show.

“Nag-text sa akin si Ms. Ai Ai delas Alas, papakita ko nga sa inyo,” sey ni Willie.

Binasa niya ang text message ni Ai Ai at ipinakita pa sa camera. Mensahe ng comedienne, “Kuya Wil, nanood ako sa ‘yo, malat ka na, baka kailangan mo na ng tulong ko hehehe. Lalabas na ako sa lock-in ninong, baka naman.”

Ang sinagot daw niya kay Ai Ai, “Who you?”

Pero sey din niya, “sabagay pwede, magaling naman si AiAi.”

Dagdag pa niya, “Oy, si Ai Ai, Concert Queen ‘yan, ang galing-galing niyan, nagpapasaya. Pwede no? Pwede ba si Ai Ai dito pag wala ako?”

At that moment ay tumawag na si Ai Ai sa cellphone ni Willie kaya sabi ng TV host, “tumatawag siya! Uy, nagpaparamdam! Ai Ai, buhay ka pa, nagpaparamdam ka na!”

Hindi agad nasagot ni Willie ang tawag ni Ai Ai kaya muling tumawag ang komedyana and this time ay nagkausap na sila.

“Nagulat ako binabasa mo ang text ko, nahiya tuloy ako bigla,” sabi ni Ai Ai.

Tanong ni Willie kay Ai Ai, “pag nawala ako, pwede ka ba mag-co-host?”

Sagot ni Comedy Queen, “syempre naman! Ninong baka naman, alam mo na.”

Tinanong ni Willie kung kailan matatapos ang lock-in taping at sumagot naman si Ai Ai na sa Tuesday raw.

“O sige, mag-usap tayo,” sey ni Willie.

Nagsisigaw si Ai Ai sa sobrang tuwa at nagpasalamat sa TV host. Nagbiruan pa sila for a few minutes at bago ibaba ang telepono ay inulit ni Willie na “sige mag-usap tayo pagbalik mo” at umokey naman ang komedyana.

Heart maagang magreretiro


Malapit na bang magretiro si Heart Evangelista sa showbiz? Ito ang tinanong sa Kapuso actress ng isang netizen sa recent pa-Q&A nito sa Instagram.

Eksaktong tanong ng kanyang follower, “if you plan to retire on showbiz, what age will it be?”

Sinagot naman ito ni Heart ng baka soon na raw although hindi pa rin daw niya alam.

“Well I thought I wasn’t gonna do telenovelas again till they said yes to my Sorsogon project! I honestly don’t know… acting maybe sooner… unless something amazing comes up. You can never say just going with the flow,” ang sagot ni Heart.

Ang Sorsogon project na tinutukoy ni Heart ay ang upcoming drama series niya sa GMA-7 titled I Left My Heart In Sorsogon kung saan ay makakasama niya si Richard Yap. Ito ang TV comeback ng aktres na huling napanood pa noong 2017 sa My Korean Jagiya.

May nagtanong din kay Heart kung saan niya nakikita ang sarili 5 years from now at sagot naman niya, “I’ll be 41… hmm I’m not sure but I’m hopeful that life will be great. I’ll still be dreaming and hold on to my childlike faith.”

Natanong din siya kung ano ang most memorable work na nagawa niya so far at aniya ay ang pelikula raw na ginawa niya sa China na ipalalabas this year sa USA and Hong Kong.

“Premiere is going to be in LA and HK this year. Although we don’t really know what’s gonna happen since we have this situation, whatever it is I gave this film my all and had sooooo much fun!” aniya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.