Abante Tonite Interactive

Ai-Ai tatlong lalaki ang babalahurain

THIS IS IT

322

tonite-this-is-it-roldan-castro

Kung last year ay medyo binalahura ni Ai-Ai delas Alas si Piolo Pascual sa kanyang Valen­tine’s show, ngayong February 15 at babalahurain naman niya sina Hajji Alejandro, Rey Valera at Marco Sison sa kanilang post-Valentine show na “Hitmakers and Ai.” Gaganapin ito sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila.

“Masarap ngayon kasi talong lalaki ang kasama ko. So, maraming violation ang pagbabalahura sa kanila, may mild, may hard, may hardcore,” sambit ng Comedy Concert Queen.

Abante Hiring – IT dep

Tanggap ni Ai-Ai na type ng audience niya na mambastos ng lalaki sa concert.

“Oo kasi ang crowd nu’n ganoon, eh. Kumbaga, matured crowd. Nagpupunta sila kasi alam nila na nakakatawa,” pakli niya.

Pero excited siya dahil ngayon lang daw niya nakakasama sina Hajji at Rey. Si Marco raw ay sinama na siya noon sa show abroad kung saan ay nameless pa siya.

Sa naturang show ay may tribute din ang Hitmakers sa yumaong Rico J. Puno. Ayaw nilang idetalye kung ano ang gagawin dahil sorpresa raw ‘yun.

Irene kakaibang luto ang ipapatikim kay JC De Vera

Kakaiba ang alindog ni Irene Reyes dahil magiging leading lady siya sa pelikulang “Paulo’s Vow” under Star Venus Productions. Ito ay sa ilalim ng direksyon at prodyus ni Victor dela Rosa Cusi. Ang co-director naman ay si Rudy Ursua.

Kasama siya sa nagti-train ng arnis para sa mga eksena ng nasabing movie.

Dati raw ay nakagawa na siya ng MTV with Jett Pangan. Nakasama rin siya sa indie movie na “Sagwan.” Pero naudlot ang pagso-showbiz niya dahil nag-aral siya ng culinary.

Dream din niya na makasama sa pelikula si JC De Vera.

“Hot siya,” bulalas niya sabay tawa.

Dahil nag-aral siya ng culinary, sino’ng actor ang gusto ­niyang ipagluto?

“Si Piolo Pascual,” pakli niya.

Ayaw niya kay JC?

“Ibang luto ang ibibigay ko sa kanya,” pabirong sagot ni Irene.

May boyfriend ba siya ngayon?

“Wala akong lovelife ngayon, hahaha! Sakit lang sa ulo. Stress,” lahad pa niya.
Anyway, handa na si Irene sa shooting niya sa “Paulo’s Vow.” Dumaan daw siya sa audition para makuha ang lead role. Hindi raw siya makapaniwala na siya ang napili. Willing din daw ­siyang magpa-sexy kung kinakailangan sa movie. Boom!

Victor kinabog sa akting si Direk Peque

Nakatsikahan din namin si Sir Victor dela Rosa Cusi sa rehearsal ng buong cast para sa arnis. Istorya pala ng pari ang “Paulo’s Vow” na maghihiganti dahil pinatay ng Spanish general ang kanyang mga magulang. War movie raw ito sa pagitan ng Pilipinas at Spain.

Ito raw ang unang pagsabak niya sa pelikula pero marami raw siyang script na nagawa na ang copyright ay sa United States. Doon siya talaga nakatira at umuwi lang sa Pilipinas.

Nag-train din daw siya sa Hollywood ng filmmaking.

Magsisimula ngayong Marso ang shooting ng “Paulo’s Vow.” Target niyang ipalabas ang movie sa world market especially sa Spain.
Hindi ba masakit sa ulo ang pagpoprodyus?

“Well, depende sa hilig ng tao talaga. Kung hindi masyadong hilig, masakit sa ulo, pero kung love mo talaga ang propesyon mo, walang sakit ng ulo,” deklara niya.

Naging member din siya dati ng dramatic guild sa La Salle Bacolod. Magkasama raw sila ni Direk Peque Gallaga. Napili pa nga raw siya nu’ng time na ‘yun bilang best actor.

Nagbiro pa si Sir Victor na dahil hindi naging best actor si Peque ay naging director ito.

Kinukuha rin daw siyang artista nu’ng kabataan niya pero wala raw sa isip niya. Ang gusto niya noon ay maging executive, na nangyari naman sa Australia. 27 years old pa lang siya ay CEO na siya. Bongga!