Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ai Ai tinuldukan na si Kris

0 220

NI: ARCHIE LIAO

Iniintriga ngayon si Ai Ai delas Alas dahil sa ulat sa news.abs-cbn.com tungkol sa pagbibigay niya sa isang gallery ng painting ng dating Pangulong Cory Aquino.

Ang nasabing artwork in oil canvas na may caption na “Please Help Me”.

Iginuhit ito ng dating presidente at regalo umano sa kanya ng former friend na si Kris Aquino.

Ayon kay Ai Ai, ibinigay raw niya sa isang art collector ang nabanggit na painting para ipa-auction sa kundisyong anumang perang malilikom ay itutulong sa mga taong nangangailangan.

Dahil dito, hindi napigilan na mag-react ng ilang kibitzers.

Sey nila, tuluyan na raw tinuldukan ng komedyana ang kanyang friendship sa dating presidential sister.

Hirit nila, parang nagsaulian na raw ng amity candles ang dalawa.

Matatandaang dating matalik na magkaibigan sina Ai Ai at Kris hanggang magkaroon ng gap.

Nagbati sila noong kasal nina Dingdong at Marian subalit hindi na nabalik ang kanilang pagkakaibigan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.