Abante Tonite Interactive

Aicelle – Mark ikinasal na

735

Nagpakasal na sina Aicelle Santos at ang broadcast journalist na si Mark Zambrano. Naganap ang pag-iisang dibdib nila noong Sabado, November 16 sa bayan ng San Juan sa Batangas.

Isang intimate garden ceremony ang tema ng kasal. Suot ng singer ang off-shoulder white gown na likha ni Edwin Tan.

Present sa event ang newscaster na si Raffy Tima.

Ibinahagi ni Raffy ang larawan ng dalawa sa Twitter. Caption niya, “Nang mangusap ang kanilang mga mata. Congratulations and best wishes Aicelle and Mark.#AiMarkwedding.” (Rona Ronda)