Abante Tonite Interactive

AIDS serye ni Yasmien magwawakas na

428
Ngayong Biyernes (Agosto 31), saksihan ang pagtatapos ng pinaka-u­nang advoca-serye ng Kapuso Network, ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka sa GMA Afternoon Prime block.
Hindi maikakailang tinutukan at sinubaybayan ng manonood ang kuwento ng isang babaeng HIV positive at kung paano niya nilabanan ang mga pagsubok niya sa buhay.
Lubos na nagpapasa­lamat si Yasmien Kurdi na gumaganap sa lead role bilang si Thea Balagtas, sa lahat ng sumuporta at tumangkilik sa kanilang programa.
“Maraming salamat sa pagtutok ng vie­wers. Sinamahan nila si Thea sa kanyang struggles, paano niya nilabanan ang mga pagsubok sa buhay at paano siya tumayo para maging matatag,” ayon kay Yasmien.
Sa pamamagitan ng programa at ng kanyang karakter, umaasa si Yasmien na nakapaghatid sila ng inspirasyon sa mga manonood na ma­ging matapang at matatag sa pagharap sa mga pagsubok.
“Pinakita ng show na kahit may HIV ang isang tao, meron pa rin siyang sarili niyang teleserye at istorya ng buhay. It doesn’t end with HIV lang na ibig sabihin it’s the end of the world for a person. Ang bawat tao na may HIV ay may istor­ya ng buhay at kaya niyang mabuhay ng normal tulad ni Thea na may issues in life,” dagdag pa ni Yasmien.
Sa pagtatapos ng serye, mag­wawakas na rin kaya ang kasamaan nina Elvira (Jackie Lou Blanco) at Ava (Jackie Rice)? Magkakaroon na kaya ng katupusan ang mga paghihirap ni Thea at ng kanyang pamil­ya?
Sa ilalim ng direksyon ni Neal del Rosario, huwag palalampasin ang finale ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka bukas, Agosto 31 sa GMA Afternoon Prime.
 ***

Andrea makamandag

Pa­nalo pa rin sa kaseksihan ang Kapuso actress na si Andrea Torres. Naglalaway ang mga kalalakihan ‘pag nakita ang bikini photo niya sa Instagram.
Makamandag ang kanyang alindog. Kahit si ‘Victor Magtanggol’ matutukso sa mapangahas niyang alindog.
Abala ngayon si Andrea sa serye ni Alden Richards na ‘Victor Magtanggol’.