Abante Tonite Interactive

Aiko ayaw makipag-areglo sa demanda

0 681

Nakatsikahan namin si Aiko Melendez sa presscon ng bagong serye niya sa GMA-7 na “Prima Donnas”. Nagbigay siya ng update sa kasong libel na isinampa niya laban sa dating vice governor ng Zambales na si Angelica Magsaysay-Cheng.

“Ongoing siya (ang kaso). The case will go on and hinihintay na lang namin ‘yung desisyon ng fiscal kung may probable cause. We’re waiting, anytime this week yata lalabas na,” pahayag ni Aiko.

Dumaan na raw sila sa mediation kung saan ay pinag-aayos na sila ng fiscal pero hindi raw siya pumayag at talagang desidido siyang ituloy ang kaso.

“Somebody has to learn a lesson,” sambit pa niya. “‘Yung pandudungis mo sa pangalan ng isang tao, kailangang ayusin mo rin, linisin mo rin ang ginawa mo sa akin. Kasi, hindi naman ako parte ng eleksyon, eh. Campaigner lang naman ako.

“Pero ‘yung iniwan mo sa aking dagok, ‘yung sleepless nights, ‘yung death threats na nakuha ko.”

‘Yung akusasyon daw sa kanya na sangkot sa drugs ay napaka-sensitive na issue at isang napaka-seryosong alegasyon.

“Kasi, dalawa ang anak ko, mamaya, matokhang ako, ‘di ba? Ang pangit naman ng pagkamatay ko, ‘di ba? Cause of death ko, tokhang? Ang pangit ng headline, ‘Aiko Melendez, Natokhang’. Eh alam n’yo naman na supporter ako ni Pres. Duterte, against ako sa drugs, tapos, pagbibintangan n’yo akong ganyan. It’s so unfair. I wanna die beautiful,” sabi pa ni Aiko na ikinaaliw namin.

Anyway, ngayong tapos na ang eleksyon at nanalo na ang boyfriend niyang si Jay Konghun bilang Vice Gov. ng Zambales, back to work na si Aiko, this time ay sa GMA-7 naman.

Magsisimula na sa Aug. 19 sa GMA Afternoon Prime ang “Prima Donnas” na pinagbibidahan ng tatlong Kapuso young stars na sina Jillian Ward, Althea Ablan and Sofia Pablo.

Gagampanan ni Aiko ang role na kontrabida bilang si Kendra Fajardo.

(Vinia Vivar)