Abante Tonite Interactive

Aiko dawit sa paninira sa dyowa

518

Rommel Placente

Inakusahan ang boyfriend ni Aiko Melendez na si Subic, Zambales Mayor Jay Khonghun na umano’y pinoprotektahan ang illegal drugs sa kanilang lalawigan. Pero natutuwa si Aiko, na sa kabila ng alegasyon kay Mayor Jay, ay mainit pa rin ang pagtanggap ng mga tao kay Mayor Jay na tatakbong bise gobernador ng Zambales.

“Actually iniisip nga namin kung nakaapekto ba? Parang mas gusto namin ‘yung reception ng mga tao ngayon, kasi ‘yung pagyakap nila kay Jay, ‘yung pagpapasalamat nila. Ngayon ko lang nalaman this past few weeks, na ganu’n pala siya kamahal ng mga tao sa Zambales, ang dami pala niyang nagawa.” sabi ni Aiko

Patuloy niya,” So, that’s something that I should be proud of, di ba? That’s something na parang..ano ko ‘yun, eh, affirmation ko, na parang..pumupusta naman pala ako sa tamang tao. Kumbaga, kung may ginive-up man ako sa punto ng career ko, worth-it naman pala ‘yung pinupustahan ko. Kasi ang dami pala niyang natulungan,” deklara niya.

Ang tinutukoy ni Aiko na isinakripisyo, ay ang bagong serye na gagawin sana niya sa ABS-CBN 2 na “Sandugo”. Nag-back out kasi siya rito, dahil hindi niya na mabibigyan ng oras ang taping. Busy kasi siya sa pagtulong sa kampaniya ni Mayor Jay. Pero nag-apologize naman daw siya sa pamunuan ang Kapamilya network.

Sinisiraan umano si Mayor Jay ng kanyang kalaban sa politika. Pero hindi ito gumaganti ng paninira dahil ayaw niyang pumatol.

“He’s always been gentleman kasi babae ‘yung kalaban niya. That’s why ayaw niyang sagutin. Pero ako, ako ‘yung sasagot, kasi babae rin ako,” matapang na pahayag ni Aiko.

“Pati ako nasasama na, nadadamay na, andiyan ‘yung may skin desease ako. Madam, huwag ninyo naman po akong tanggalan ng trabaho, meron po akong endorsement sa skin. Pekas po ito. Para siguro ang tactic na ‘yun para layuan ako ng mga tao. Kasi tuwing dumarating ako sa Zambales, buong yakap at buong ano…tinatangap nila ako. Madam, sana do not go that low,” saad pa ng magaling na aktres.