Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aiko ‘di pa ready magkaapo kay Andrei

0 190

CHUFFA MAE BIGORNIA: Makulay na tsikahan ang nangyari sa Tonite L na L nang maging bisita si Aiko Melendez. Tinanong siya kung handa na ba siyang ma-asawa at magkaapo sa kanyang panganay na si Andrei Yllana.

“Ay hindi pa! Diretsahan kong sasabihin na hindi pa ako handa.Sinabi ko rin kay Andrei,na kakabigay lang sa iyo ng pangalawang pagkakataon na magkaroon ng break ulit dito sa showbiz,Pumirma siya Viva,so I think ang lovelife should not be your priority right now kasi kakatapos lang ng college,so sabi ko sa kanya , “this is the right time na mag-focus ka sa career mo.”

‘Yang Lovelife can always wait, di ba? Ang lovelife puwede namang inspiration lang.Pero parang mag uuwi siya ng baby dito,ay parang ndi ko kakayanin aatakihin yata ako.”

Hinirit pa natin na paano ‘pag dumating sa punto na nakabuntis si Andrei ngayon? Tahasang sinabi ni Aiko na,please anak ‘wag muna although maituturing ito na blessings .

“Siyempre hindi ko naman 24 hours na kasama ang anak ko, di ba,On his age he is already 22 ang lagi ko lang sinasabi sa kanya,you know maraming magagandang bagay ang nangyari sa iyo during pandemic, not everyone as blessed as you. Ang Ibang tao nga walang trabaho ikaw nabigyan ng pagkakataon so kung ikaw iwi-waste mo ang opagkakataong ito na binigay sa iyu ng Panginoon magdalawang isip ka naman anak.

Sey pa ni Aiko,pinagdiinan ni Andrei na hinding -hindi niya muna ito bibigyan ng apo.

NONIE NICASIO: Sa aming masayang huntahan kay Aiko , nabanggit niyang may mga naninira na sa kanya ngayon pa lang, na konektado sa politika.

Anang aktres/public servant, “Ako ang dasal ko na lang, sana ay mag-focus kami sa tulong na maibibigay namin sa tao, huwag magsiraan… Kasi as early as now, binabakbakan na ako. So, sana naman hayaan nyo muna akong tumulong. During the pandemic naman, nakikita ako na tumutulong ako hindi lang sa Quezon City, kundi sa iba’t ibang probinsiya. So, hindi na ako masasabihan na ginagamit ko ito para sa politika. Dahil ako, kapag may lumalapit sa akin, even before the pandemic, my doors are always open. Kung may nangangailangan, hindi ko man kayang tumbasan ‘yung malalaking help na gusto nilang hingin sa akin, pero kahit paano ay may inaabot ako.”

Makikita nga ito sa FB post ni Ms. Aiko: “Imbes na gumawa kayo ng fake or troll accounts at ibash ako, itulong nyo nalang yan sa mga tao. Wag nyo ako pag aksayahan ng Oras. Masyado naman ako importante sa mga buhay nyo at apektado kayo sa mga galaw ko Lastly, sana ung nag uutos sa inyo na gawin yan mag isip mabuti.. Focus on helping and not destroying me Ayan nanaman kayo eh #triggeredmuchkayo?”

Ano ang batas na makakatulong sa showbiz na gagawin niya ‘pag nakaupo bilang congresswoman ng District 5 ng QC?

Tugon ng aktres, “Kapag ako po ay pinalad na maluklok sa kongreso, ang unang aasikasuhin ko ay employment. Kasi maraming nawalan ng trabaho, so gagawan ko ng paraan na mabigyan ng pagkakataon ang mga tao sa industry na nawalan ng trabaho. So magkakaroon sila ng alternative na trabaho.

“And ipaglalaban ko ang health insurance ng mga taga-media at showbiz personality po natin. Kasi feeling ko, iyan ang kulang sa atin, iyong health care na insurance. Kapag nagkasakit tayo ngayon, lahat tayo ay dumadaan sa pandemic… ang dami nating kasamahan ngayon na nawala, namatay, isa na roon ang tatay ko na hindi kami handa. So, what more ang mga taong hindi nakapag-ipon sa industry natin? Gusto ko na magkaroon sila ng assurance na kahit paano ay may health insurance silang maiuuwi. Para may emergency fund silang makukuha kapag may nagkasakit sa kanilang pamilya.”

Sa naturang tsikahan, inusisa rin namin siya kung may mga taga-showbiz na bang nagpahayag ng suporta sa kanya sa pagtakbo sa kongreso. “Yes, marami na po at tuwang-uwa ako dahil ang mga kaibigan kong ito ay maaasahan ko po talaga kahit na ano ang pasukan ko. And alam naman nila na eversince noong nasa public service ako, itong mga kaibigan kong ito, kapag may kailangan silang tulong ay nagagawan ko ng paraan. Kaya hindi sila nagdalawang isip na suportahan ako, kaya iyan ang abangan nila,” masayang saad pa ni Ms. Aiko.

ROLDAN CASTRO: Inurirat din namin si Aiko kung ano ang masasabi niya kay Arjo Atayde sa pagpasok sa politika.

Sinabi niya kasi na ayaw niyang kalabanin si Sylvia Sanchez kaya hindi niya tatapatan ang kandidatura ng young actor.

“Alam niyo Kuya Roldan, si Arjo is like my brother.Family friend ko kasi si ate Sylvia and si kuya Art Atayde. I’ve known Arjo when he was still small . I’ve seen him how kung paano siya as a person. Ang public service kasi is something na nasa puso mo, at iyung mga legislation can be learn, di ba?Kapag na- elect na si Arjo I think he has the heart for the masses so let’s give it a try but at the end of the day siyempre ang magde-decide niyan tao rin.”
Tinanong din namin kung may balak na siyang magpakasal?

“ Alam niyo gustuhin ko mang sagutin kaya lang kakahiya di ba? Dapat sa lalaki nanggagaling ‘yun kasi mamaya mapahiya ako hindi naman pala magpo-propose sa akin. Bahala na si VG, pero basta ang importante is maganda ang aming relasyon namin, ‘Nagsusuportahan kami ,nag-aangatan kami pataas .Hindi kami naghihilaan pababa .Higit sa lahat nagmamahalan kami ng mayroong respeto at tiwala,” deklara niya.

Nagseselos pa ba siya kay VG?

“Hindi niya ako binibigyan ng rason para magselos ,” pakli ng aktres

Anong puwedeng kasalanan ni VG para hindi niya mapatawad?

“Mambabae siya ,noh! Goodbye wala nang explanation .Hindi na siya makakahanap ng katulad kong long hair,” sey pa niya.
Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.