Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aiko imbyerna pa rin kay Candy

0 1,862

NI: ARCHIE LIAO

Aminado si Aiko Melendez na malaki ang tampo niya sa isa kanyang malapit na kaibigan na bahagi ng tinatawag na “Power Four” Ito’y kinabibilangan din nina Carmina Villarroel, Gelli de Bellen at Candy Pangilinan

Noong una, ayaw pangalanan ni Aiko kung sino ang tinutukoy niya pero sa pag-uusisa ng talent manager at showbiz journalist na si Ogie Diaz sa kanyang vlog, napilitan din siyang amiming ang katampuhan ay si Candy Pangilinan.

Hindi naman idinetalye ng aktres ang dahilan ng kanilang hindi pagkakaunawaan ni Candy bilang respeto na rin dito.

SM food to go Banner Ad

Dagdag pa niya, sinubukan naman umano ni Candy na mag-sorry sa kanya at sa boyfriend nitong si Vice Governor Jay Khonghun ngunit masyado raw masakit ang ginawa nito sa kanya.

Sinabihan din daw niya na ayaw muna niyang makausap ito kaya halos umabot na ng isang taon ang kanilang naging tampuhan.

Tinangka rin daw silang pag-ayusin ng iba pa nilang malalapit na mga kaibigan ngunit gusto niya raw mabigyan ng leksyon si Candy.

Hirit pa niya, sana raw ay mapagtanto nito na nakasakit siya ng isang kaibigan na laging nagtatanggol sa kanya.

Nagsalita umano si Aiko para matigil na rin ang pag-request ng mga netizen ng collab kung saan kumpleto silang apat.

Leave A Reply

Your email address will not be published.