Abante Tonite Interactive

Aiko nagpatama sa mga baguhang artista

267

Mahigit 37-taong gulang na rin si Aiko Melendez sa industriya. Kaya naman maituturing na siyang beterano. Marami sa mga nagtatrabaho sa showbiz ang nagpapatunay sa galing nito sa pakikisama.

Subalit mukhang may artista na nagpa-irita sa kanya. Mukhang may pinatatamaan kasi siya sa post niya sa Instagram.

“Humble yourself or life will do it for you,” bungad niya sa caption.

Payo pa nga ng aktres, “IN my mind, and in my Heart It pays when you are Humble. Don’t wait for Life’s lesson to teach you before you apply this 🙂 It applies to everyone. The more you are up, The more you Should be humble #mondayaikothoughts Especially to the newbies!”

Tinutukso pa siya na pangalanan umano ang newbie na ito.

@mikejadeiglesia, “Sino kayang newbies ito? Hmmmm….it would be nice kung may pangalan.”

@issa_kween_rihrih, “Parang kilala ko to kung para kanino @aikomelendez.” ­