Abante Tonite Interactive

Aiko natutulog na basa

263

Kagagaling lang ni Aiko Melendez at boyfriend na si Zambales Vice Governor Jay Khonghun sa Sydney, Australia. Ipinagdiwang nila ang kanilang 2nd anniversary. Two weeks din daw sila sa nasabing bansa at totoo raw pala talaga na kapag nagta-travel together ay mas nagkakakilala talaga ang magkarelasyon.

“So, kami, we do a lot of travel because that’s our way of getting to know each other. And then, kung kaya ba naming i-push ang limits ng isa’t isa kung hanggang saan.

“And so, ‘yung travel na ‘yan is a sign also na kaya pala naming pagdaanan at pagtiisan ang isa’t isa,” natatawang sabi ni Aiko nang makausap namin kahapon sa taping ng “Prima Donnas”, ang comeback serye niya na napapanood tuwing hapon.

Ang nalaman daw niya kay Vice Gov, ang gulo-gulo pala raw nito sa kuwarto.

“Naiirita lang ako minsan kasi ano ako, eh, medyo OC (obsessive compulsive) po ako sa gamit, eh ‘di ‘pag lalaki, kalat-kalat?” kuwento pa ni Aiko.

Ano naman ang ayaw sa kanya ni Jay?

“Kasi ako, no matter how pagod ako, naliligo talaga ako lagi, kaya lang ‘pag naliligo ako, hindi ko na natutuyo ang buhok ko, so matutulog akong basa. So, minsan, ayaw niya. Sabi niya, ‘ano ba ‘yan? Maliligo-ligo ka, ‘di mo tutuyuin ang buhok mo?’ Mga ganu’n,” natatawa pa ring kuwento ng aktres.

Ayaw daw ni boyfie na ‘pag yayakapin siya ay basang-basa ang unan niya.

Pero grabe rin daw talaga ang pasensiya at pagmamahal ni Vice Gov sa kanya. Tulad na lang kapag nagugutom daw siya ay gumagawa raw talaga ito ng paraan para mabilhan siya ng food.

Nang matanong kung wala pa ba silang plano to settle down, ayon sa aktres ay napag-uusapan na rin nila pero may kailangan pa raw ayusin si Jay.

“There’s still some things that he needs to fix on his side. Ako kasi, wala naman akong problema, so I am just waiting. Pero do’n din naman papunta ‘yun,” she said.

Kailan niya nakikita ang sarili na lalagay na muli sa tahimik?

“Siguro in two years’ time,” sagot ni Aiko.

Ready na ba siya?

“Oo naman. Kasi lahat naman ng qualities ng pagkakaroon ng asawa, na kay VG naman. At saka ang hirap na magsimula ulit. To think na magkasundo ang bawat pamilya namin, I mean, okay ako sa pamilya niya, siya rin, okay sa mga anak ko. So, wala naman akong nakikitang problema kundi ‘yung ano niya, ‘yung kailangan niyang ayusin,” aniya.

Samantala, sa “Prima Donnas” ay ginagampanan ni Aiko ang papel na kontrabida bilang si Kendra. Pinagbibidahan ito ng tatlong Kapuso young stars na sina Jillian Ward, Athea Ablan at Sofia Pablo na napapanood sa afternoon slot ng GMA-7.

Katrina ‘di nagbigla sa bagong baby ni Kris

Alam naman pala ni Katrina Halili noon pa na magkakaroon na ng panibagong baby si Kris Lawrence na ama ng kanyang anak na si Katie.

Kamakailan ay nanganak ng baby boy ang non-showbiz girlfriend ni Kris at ayon kay Katrina, nagpaalam naman daw sa kanya ang ex-BF.

“Kasi ‘di ba, laging pumupunta si Katie sa kanya, sinusundo niya, nagpaalam siya sa akin, kasi, parang sabi niya, ‘yun nga, ayaw naman niyang ma-felt bad na kapag nandu’n daw ‘yung girlfriend niya, tapos si Katie, nandu’n, so pinaalam niya na may girlfriend siya and may (coming) baby,” kuwento ni Katrina.

Ano ang na-feel niya nang magpaalam sa kanya si Kris na magkakaanak na ulit ito?

“Wala, happy ako. Sabi ko, ‘congrats.’ Matagal na (kaming wala), 7 years na, move on na tayo,” she said.

Okay rin naman daw kay Katie na may bago na itong kapatid at nakita na nga raw nito ang baby brother.

Ang maganda raw nito, hindi na siya kinukulit ngayon ni Katie na magkaroon ng kapatid.

“At least, meron na siyang kapatid. Nasagot na ng Papa niya,” natatawa pang sabi ni Katrina.

Seven years old na si Katie at seven years na rin daw siyang walang love life.

“Hindi ko ‘to gusto. Feeling ko, totoo ‘yung kasabihan na kapag okay ang career, minsan, hindi ok ang love life. Feeling ko sa akin, kasi ‘yung iba, okay naman na may love life at career. So, okay lang.”

At least daw ay nakakapag-focus siya kay Katie lang at sa kanyang work. Kung dadating daw ang love life ay kusa na lang daw itong dadating.

Samantala, sa “Prima Donnas”, for a change ay mabait naman at inaapi ang role ni Katrina at sey nga niya, hiniling niya talaga ang papel na ito since parati na nga lang siyang kontrabida in the past.

In fairness ay nae-enjoy naman niya ang kanyang role pero ‘yun nga lang, lagi siyang iyak nang iyak sa mga eksena.