Abante Tonite Interactive

Aiko panalo ang pagbabalik

302

Nonie Nicasio

Nagpahayag nang labis na kagalakan ang premyadong aktres na si Aiko Melendez sa pagkapanalo niya bilang Best Supporting Actress sa katatapos na Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal para sa kanilang entry na ‘Rainbow’s Sunset’ na humakot ng kabuuang labing-isang tropeo.

Bahagi ng post ni Aiko sa kanyang Facebook account:

“Maraming Salamat Po sa MMFF at MMDA jurors para sa para­ngal na ito 🙂Ang tagal ko po walang entry sa mmff and this is indeed a great comeback for me ! And a great way to end 2018! Thank you Lord Jesus for this wonderful gift 🙂 To my family i share this recognition to all of you! My kids @andreyllanaa and @jickain­marthena I share this to you both! ..”

Sa nauna naming panayam sa kanya, nabanggit ni Aiko na ang last time na nagkaroon siya ng entry sa MMFF ay noong 2003 pa para sa pelikulang ‘Fili­pinas’ na si direk Joel din ang namahala.

Sa aming maigsing chat kay Aiko, sinabi niyang nasa cloud 9 silang lahat sa kasiyahan.

“Nasa cloud 9 po kaming lahat. Masaya ako sa pagkapanalo ko po, kasi po ang tagal kong di nakasali sa MMFF and its indeed a great comeback for me po.”

Nabanggit din ni Aiko na wish niyang madagdagan pa ang mga sinehan ng kanilang pelikula para mas maraming tao pa ang makapanood nito.
“My prayer at hiling lang po kami na sana ay madagdagan ang sinehan namin, para naman kumita rin po ang movie na pinaghirapan naming lahat,” deklara pa ng aktres.