Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aiko pinagbantaan ang buhay

0 115

Ayon sa confidante ni Aiko Melendez na si Ogie Diaz, nakatanggap daw ng pagbabanta ang aktres pagkatapos nitong magdesisyon na kumandidato sa darating na national election.

Hindi naman maiaalis sa talent manager turned vlogger na mag-alala para kay Aiko at sa pamilya nito.

Ang nakakaloka pa raw nito ay nakatanggap ng isang anonymous text ang aktres hinggil sa death threat sa kanya.

“Ang sabi; ‘Ingat lang nakamasid kami sa lahat ng galaw mo. Kung ako sayo, wag ka na tumuloy tumakbo.

“Alam namin lahat pati san ka nakatira at kung san ka ngayon. Mag isa ka diba?’ So, nananakot. Death threat ito,” pagbabahagi ni Mama Oggs.

Hindi na bago si Aiko sa politika dahil nahalal siyang konsehal ng second district ng Quezon City mula 2001 hanggang 2010. (Archie Liao)

Leave A Reply

Your email address will not be published.