Abante Tonite Interactive

Aiko pinaiyak ang mga Aeta

By
0 293

Isang inspiring na kuwento ang matutung­hayan sa pelikulang Tell Me Your Dreams na pinagbibidahan ng prem­yadong aktres na si Aiko Melendez.

Ginanap ang press preview at premiere night kamakailan sa Evia Mall.

Mula sa pamamahala ng advocacy film director na si Anthony Hernandez, matutunghayan sa pelikulang ito ang dedikasyon, determinasyon, at sakripisyo ng pagiging isang guro. Tinalakay din dito na hindi hadlang ang kahirapan para magtagum­pay. Itinataguyod ng Tell Me Your Dreams ang values formation ng mga bata, ang karapatan nila sa tamang edukasyon, pagbibigay importansiya sa mga katutubo, at ang hindi mapantayang dedikasyon ng mga guro sa kanilang pagtuturo.

Ito na ang ikatlong pagkakataon na gumanap bilang guro ang Kapamilya actress na si Aiko. Nabanggit ni Ms. Aiko na challenging ang paggawa ng pelikulang ito. Bukod kasi sa physically tiring dahil sa remote area yung location nila na kailangan pa nilang tumawid ng mga ilog at bundok, mga baguhan ang co-actors niya rito. Na karamihan ay galing mismo sa mga Aeta community sa naturang lugar.

“It’s always good to do films na may message, lalo na sa youth natin and how they should value education. Kasi not everyone is blessed to be in school,” anang award-winning actress.

Dagdag pa niya, “I played the role of Divina, teacher ako rito na dedicated sa trabaho, na even my own kids ay talagang minsan ay nag-suffer dahil sa sobrang pagi­ging dedicated ko bilang teacher. Something will happen in the end. But ang moral of the story, at the end of the day ay bayani talaga ang mga teacher. Iyon ang makikita rito dahil ‘yung love and dedications nila, kahit hindi nila kamag-anak o kaano-ano.”

May twist sa en­ding nito na dahilan para mag-iyakan ang mga aetang nakahalubilo ni Aiko.

Nagkuwento naman si Direk Anthony hinggil sa obra niya. “Actually, nagbukas kasi ang Vista Mall at Starmall, nag-open sila sa amin para mabigyan ng opportunity iyong pelikulang Tell Me Your Dreams na mapanood exclusively sa kanilang mga sinehan. Hindi naman sa pagya­yabang, iyong movie ay naging trending noong nagkaroon kami ng special screenings sa Cebu.”

Palabas na sa mga sumusunod na mga mall ang ‘Tell Me Your Dreams’: Starmall Edsa Shaw, San Jose Del Monte, at sa Alabang. Sa Vista mall naman sa Daang Hari, sa Evia sa Alabang, at sa Pampanga, Bataan, Taguig, Sta. Rosa, Laguna, Las Piñas, pati na sa Naga.