Abante Tonite
Mabilis sa Balita

May atraso sa anak pinahanting sa PNP: Aiko rumesbak sa sex scandal

0 540

Sasampolan at idedemanda ni Aiko Melendez ang tinawag niyang ‘crazy pervert’ dahil may hawak umano itong sex video ng kanyang anak na si Andre Yllana.

“ We already have a lead kung sino,” lahad ng aktres sa messenger.

Ang tinutukoy niya ang Twitter user na si @jakolinks na nagbantang ilalabas ang sex scandal umano ni Andre.

Nagpasalamat si Aiko sa Philippine National Police-Anti Cybercrime Group Investigation Division OIC Police Lt. Col. Nicomedes Olaivar Jr dahil sa pagtulong na makilala ang nambastos sa kanyang anak.

Related Posts

“We now have a lead of who this crazy pervert, who caused my son Andre Yllana anxiety!” giit ni Aiko, kung saan pinasalamatan din niya ang kanyang boyfriend na si Jay Khonghun.

“As i told you don’t mess with any of my love ones. Especially when we are right! Because we will teach you a lesson that you regret learning,” sey pa niya.

Matatandaan na kinalat ni @jakolinks ang larawan ni Andre, na ilalabas umano ang sex scandal nito kapag umabot ng 25,000 ang kanyang followers.

Napa-oh my God din si Aiko nang malaman niya kung ano ibig sabihin ng jakolinks na konek sa maturbation. (RFC at RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.