Abante Tonite Interactive

Aiko tatapatan sina Dimples, Beauty

663

Nagpapasalamat si Aiko Melendez sa pagpapahalagang ibinibigay sa kanya ng Kapuso Network. Isa si Aiko sa tampok sa teleseryeng “Prima Donnas” na pinagbibidahan nina Wendell Ramos, Katrina Halili, Chanda Romero, Benjie Paras, Sofia Pablo, Jillian Ward, Althea Ablan, at iba pa. Sa pamamahala ni Direk Gina Alajar, mapapanood na ito sa Monday, August 19, 3:25 pm.

Nilinaw ng aktres na nagpasintabi naman siya sa ABS-CBN bago tinanggap ang proyektong ito.

“Nagpaalam naman ako sa kanila nang maayos, since wala pa silang bagong project para sa akin and they gave me their permission naman. Alam naman nilang I am a single mother and I have two kids na pinag-aaral ko so they understand,” wika niya.

Dagdag pa ni Aiko, “Maayos pa rin ang relationship namin, I made sure I didn’t burn bridges… Kaya in the future ay puwede pa rin ako ulit bumalik at magtrabaho sa kanila.”

Gumaganap si Aiko sa seryeng ito bilang si Kendra, na obsessed kay Wendell.

Kabado ba siya sa katapat nilang “Kadenang Ginto” ng ABS-CBN?
Pakli ni Aiko, “Mas kabado ako sa show, hindi sa ano mang katapat namin.

Kasi siyempre ang dapat atupagin namin hindi ‘yung katapat, ang dapat atupagin is paano magiging iba ang show namin sa iba.

“Story wise ‘di kami pahuhuli. Hindi rin naman kasi ako papayag gumawa ng puchu-puchu lang… At saka naniniwala ako na may hatid na suwerte ‘yung tandem namin ni Wendell. Kasi, mayroon kaming following from ‘Wildflower’ pa.”

Nalaman namin kay Ms. Aiko na close siya kina Beauty Gonzales at Dimples Romana and since katapat ng “Prima Donnas” ang “Kadenang Ginto”, game ba siyang makipagbanggaan sa dalawang Kapamilya aktres?

“Si Beauty ka-textmate ko iyan, kasi bait na bait ako kay Beauty and napaka-simple, kaya love ko iyan. Si Dimples naman, kasi parang kapatid ko na siya, ang dami ko nang work na nakasama siya… and magaling sila pareho.

“But definitely, it’s just work for all of us. Siyempre the comparison will always be there kung sinong better, pero for me, work lang talaga. We are here to also show our viewers a different taste of drama, hindi ba?”

Dagdag pa niya, “Mahirap maging katapat ang higante, ‘di ba? Lalo na at ang ‘Kadena’ is made already, samantalang kami’y starting pa lang. Pero one thing’s for sure, hindi kami mapapahiya sa show namin,” hirit pa Ms. Aiko.

(Nonie Nicasio)