Abante Tonite Interactive

Air Force bagsak kay Tan, BanKo

232

Hindi nakalipad ang Philippine Air Force Lady Jet Spi-kers upang kunin ang unang sa 3rd Premier Volleyball League 2019 matapos pabagsakin ng BanKo Perlas Spikers kagabi, 25-13, 25-18, 25-19.

Nagdeposito si Gizelle Tan ng BanKo Perlas ng 26 excellent sets upang iresbak ang koponan sa pagkakatalo nitong Miyrekoles kontra Pacific Town Army Lady Troopers.

Ang birthday girl na si Elle De Jesus ang tumapos ng laro nang humampas ng final spike para makuha ang panalo laban sa AF Lady Jet Spikers.
Angat ang Perlas Spikers sa third spot team standing hawak ang 2-1 baraha, habang landing naman ang Jet Spikers sa 0-2 win-loss record.
(A­ivan U. E­piscope)