Abante Tonite Interactive

Air force nars tinodas

268

Nasawi ang isang babaeng nurse ng Philippine Air Force matapos pagsasaksakin ng nanloob na construction worker sa Makati City Huwebes ng madaling-araw.

Kinilala ng Makati police ang biktimang si 2nd Lt. Jennet Beron Aguilar, 31-anyos.

Sa report ng Makati police, kauuwi lang ng bahay ni Aguilar nang makarinig ito ng kaluskos.

Paglabas ng kuwarto ng biktima ay namataan nitong palabas din ng bahay ang ‘di na pinangalanang 19-anyos na suspek bitbit ang mga ninakaw.

Dahil doon ay nagpambuno ang dalawa at pinagsasaksak ng binatilyo si Aguilar sa dibdib at tagiliran, na ikinasawi nito.

Lumilitaw na magkakilala ang dalawa dahil nagtatrabaho ang suspek sa construction site malapit sa bahay ng biktima. Sa labis namang tiwala ay pinapayagan ng Airforce nurse na makagamit ito ng CR at minsa’y inaabutan pa ng pera.

Katwiran naman ng suspek, nagawa niyang pagnakawan ang biktima dahil magbi-birthday ito.

Nang matunton ang nagtagong suspek ay kinu­yog ito ng mga kapitbahay.