Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Air Force One KTV COVID facility na

0 457

Kabilang ang Air Force One KTV sa mga pasilidad na nilaan bilang isolation facility para sa mga pasyente ng COVID-19 sa Parañaque City.

Base sa talaan ng mga isolation facility at status ng mga ito na pinost ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez noong Agosto 9, mayroon nang 95 asymptomatic close contact patient ang naka-quarantine sa nasabing night club and bar, para ma-monitor ang kalagayan sa loob ng 14 na araw.

May nakalaang 200 maximum bed capacity ang pasilidad para tumanggap ng mga kailangang i-quarantine bunsod ng pinaigting na COVID-19 testing sa nasabing lungsod.

Ang Air Force One ay itinuturing na kabilang sa mga pinakamalaking KTV, spa at entertainment center sa Asya gayunman, kasabay ng iba pang mga kilalang entertainment club, tigil ang operasyon nito simula pa noong Marso o habang nagpapatuloy ang pandemya para protektahan ang kanilang mga empleyado sa banta ng COVID-19. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.