Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Air Supply nag-gatecrash kay Inigo

0 325

Sobrang ikinawindang ni Inigo Pascual nang biglang sumulpot sa kanyang virtual interview ang iconic duo ng Air Supply na si Graham Russel and Russell Hitchcock last Monday.

Si Inigo ang special guest sa Myxclusive online interview ng MYX Philippines for his rendition of All Out of Love na as we all know ay classic hit ng Air Supply.

Sa gitna ng interview ay bigla na lang sumulpot ang iconic duo and the moment na lumabas sa screen sina Graham Russel and Russel Hitchcock, talaga namang priceless ang reaction ni Inigo. Napatanga siya talaga sa sobrang pagkagulat at hindi siya talaga makapaniwala.

“Oh what???” sabi niya. “Nice to meet you guys, this is crazy,” sey niya sa dalawa matapos mag-hi ang mga ito sa kanya.

And the most wonderful part ay nang purihin ng mga ito ang kanyang rendition ng All Out of Love.

“I heard your version of All Out of Love and it’s fantastic, I love it,” sabi ni Graham.

“Yep,” pag-ayon naman ni Russel sabay senyas ng two thumbs up.

Halatang labis na ikinatuwa ito ni Inigo at aniya, “I’m out of words right now, I don’t know what to to say.”
Ayon kay Inigo ay sobrang proud niya na i-record ang kanta ng Air Supply at lumaki raw siyang pinakikinggan ang mga songs ng rock duo.

“And honestly right now, I’m freakin’ out that I’m even talking it in front of them,” sey ni Inigo.

Isa pang nakakatuwa ay nang imbitahan ng Air Supply si Inigo na samahan sila sa stage na kantahin ang naturang kanta kapag pumunta sila sa Pinas.

“We’re very happy that you were able to record it but maybe when we come to the Philippines next time, you can sing it with us on stage,” sabi ni Graham.

“Oh my, it’s crazy, that would be a dream come true,” sey naman ni Inigo.

“That’s an open offer for you certainly,” sey naman ni Russel.

We’re sure, proud na proud si Piolo Pascual sa kanyang anak.

Joed nagpasaklolo sa OMB

Dumulog kahapon sa Optical Media Board ang producer ng Anak ng Macho Dancer na si Joed Serrano para isumite ang listahan ng mga pangalan na pinaghihinalaang sangkot sa illegal reproduction ng pelikula.

Matatandaang ipinalabas ang Anak ng Macho Dancer last January 30 sa KTX.ph at posibleng dito nakuha ang kopya ng mga pirata.

“Masakit on our part. Wala kayong puhunan, hindi kayo umarte, hindi kayo naghubad, wala kayong ginawa, umupo lang kayo, nag-download kayo at binenta niyo. That is so unfair,” pahayag ni Joed sa panayam ng ABS-CBN.

Ipinakita naman ni OMB chairman Christian Natividad kay Joed ang pirated DVD copy ng pelikula matapos silang magkaroon ng surprise raid in Quiapo last Monday night.

Ayon kay Joed, malaking epekto raw talaga ang film piracy sa mga movie producers na tulad niya na ang hangarin lamang ay makatulong na maisalba ang naghihingalo nating movie industry.

Leave A Reply

Your email address will not be published.