Abante Tonite Interactive

Airbnb o hotel?

51

Tiyak na ngayong Kapaskuhan ay maraming nagpaplano ng travel lalo at naglipana ngayon ang mga airfare promo.

Kung solve na ang ticket mo, ang kasunod na problema ay Airbnb ba o hotel ang pipiliin mo para sa inyong accommodation.

Karamihan ay pamilyar na sa hotel pero ano ba itong nauuso na Airbnb. Ang Airbnb ay isang online bookin­g site para sa mga travelers na ang gustong paraan ng kanilang accommodation ay sa pagrenta ng room, bahay o mga hindi ginagamit na espasyo ng mga locals ng bansang pupuntahan dahil mas hanap nito na ma-experience ang culture at pamumuhay ng mga locals. ­Unang iisipin dito ay seguridad ngunit tinitiyak ng Airbnb na mayroon silang ‘trusted marketplace’.

Maraming benepisyo kung Airbnb, una na dito ay mas mura ang accommodation, unique at Perso­nal Lodging Experience lalo at karamihan sa mga accommodation ay mayroon nang mga gamit sa bahay at kung may kaila­ngan o may mae-encounter na problema ay maaari ring la­pitan ang mga nagpaparenta o mga friendly host na kalimitan naroon lamang sa area at may flexible Check-In at Checkout.

Kung may advantages ang Airbnb ay may disadvantage rin, una na ay hindi mo alam kung ano ang makukuha mo, maaaring pagdating mo sa accommodation ay hindi ang iyong inaasahan ang madatnan mo, o kung mag-extend ng stay ay puwedeng hindi pagbigyan ng host at kung hindi kayo magkasundo ng host lalo kung may mga rules itong ipatutupad sa kanyang bahay at siyempre ang seguridad dahil hindi mo batid kung anong klaseng neighborhood ang iyong aabutan.

Maraming travellers ang mas nais ang Airbnb dahil sa aspekto ng personal touch at warm hospitality na wala sa mga karaniwang hotels bukod pa sa mura ang Airbnb ngunit ang Airbnb ay hindi para sa lahat, ang aming payo, kung nais na kumuha ng Airbnb Accomdation at tiyaking nasuri muna ang lugar, maging pamilyar sa pupuntahan, pero kung first time travele­r at walang masyadong alam sa bansang pupuntahan ay mas convenient pa rin ang hotel.

Karaniwan kasi na mga seasoned traveler ang gumagamit ng Airbnb o iyong mga indibidwal na nakarating na sa lugar at nagnanais lamang ng bago at unique travel experience.