Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aircon tech, helper nasabugan ng LPG

0 306

Sugatan ang dalawang lalaki matapos na sumabog ang sumingaw na tangke ng liquified petrolium gas (LPG) kahapon ng umaga sa Malate, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ng Manila Police District-Police Station 9, kapwa isinugod sa Philippine General Hospital ang mga biktimang sina Jerson Panong, aircon technician, nasa hustong edad ;at isang alyas JR, helper, kapwa taga-2566A Singgalong Street, Brgy. 728, Malate. Nagtamo sila ng mga minor injury dahil sa impact ng pagsabog.

Naganap umano ang insidente dakong alas-5:30 ng umaga sa bahay ng mga biktima nang magkaroon ng leak ang LPG at nang buksan ay kaagad na sumabog.

Nadamay na masira ang isang motorsiklo na nakaparada sa harap ng bahay at kapitbahay ng mga biktima. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.