Abante Tonite Interactive

Airen nagpaandar sa kaarawan ni Lee Seung Gi

310
tonite-annyeong-rose-garcia
Working birthday para sa South Korean Triple Threat Star na si Lee Seung Gi ang kanyang ika-32nd birthday (33 Korean age) dahil noong actual birthday niya, January 13 ay maghapon siyang nagpi-filming ng upcoming SBS drama niya na “Vagabond.”

 

Kilalang-kilala bilang hard working Korean star si Seung Gi kaya hindi nakapagtatakang kahit kaa­rawan nito ay nagtatrabaho. Gayundin noong mismong Christmas day na  nag-taping  siya ng variety show na “All the Butlers.”

 

Masaya at talagang nagpasalamat si Seung Gi dahil sa pagmamahal na natatanggap niya. Ito’y sa pangunguna ng LSGKWA (Lee Seung Gi Korean World Airen).

 

Kabilang ang Airen Philippines sa mga bansang kasama sa LSGKWA na binubuo ng labinlimang bansa tulad ng USA, Japan, Singapore, China, Indonesia, Turkey, Vietnam, Ecuador, Argentina, Chile, Russia at Korea. Pina­kabago ang Myanmar.

 

Buong araw ng taping ito na ang LSGKWA fan club niya ang naghanda ng mga pagkain, coffee truck, desserts at iba pa. Bukod pa sa mga inihandang loot bags/give aways para sa mga staff at cast. At si­yempre, bonggang birthday gift at three layer cake para kay Seunggi.

 

Bukod dito, binuksan din ang LSGKWA online page para sa mga tagahanga ng actor/host/singer worldwide na makapag-post ng messages, pictures at video para sa birthday ni Seunggi. Iba pa ang personal letters/card ng bawat Airen fan club na under sa LSGKWA na makikita sa mga pinost na pictures at video ng LSGKWA na masayang binasa ni Seunggi.

 

Masaya ang mga fan  dahil sa pag-acknow­ledge ni Seunggi sa  Airen. Sa kanyang unang Instagram post, sinabi niyang, “To everyone who congratulated me on my birthday and to all the fans Airen! I love you! 2019 Let’s be happy.”

 

Ang sumunod naman niyang IG post noong birthday niya ay ang selebrasyon niya kasama ang tatlong cast members ng “All the Butlers” na sina Yang Se Hyung, Lee Sang Yoon at Yook Sungjae, ang leading lady niya sa “Vagabond” na si Bae Suzy at ang director nila na si Yoo In Sik.

 

Sa loob ng van niya  ay sinorpresa siya ng kanyang staff at kasunod ng caption niya na “A truly happy birthday!! Thank you for being with me” May mga hashtags na Master in the House, Vagabond at the best in the universe Lee Seung Gi staff.”

 

Samantala, ang Thailand Airen ay nagsagawa ng birthday event donations sa isang orphanage sa nasabing bansa. Ang Indonesian Airen naman, bukod sa nagpadala sila ng cake mismo sa Korea para kay Seunggi, nagtanim din sila ng 33 trees under Seunggi’s name.

 

Gayundin ang Myanmar na bukod sa birthday video on LED billboard sa Hledan Center Pyay Road (isa sa itinuturing na pinaka-popular at busy area ng Yangon City), nagsagawa rin sila ng birthday donation sa Myanmar Orphanage School under Lee Seung Gi’s name.