Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Airport sa Tacloban hinagupit ng ipo-ipo

0 222

Bahagyang nasira ang Daniel Romualdez Airport sa Tacloban City matapos makaranas ng malakas na pag-ulan na may kasamang malakas na ipo-ipo, dakong alas-6:45, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Eric Apolonio, spokesperson ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), kabilang sa mga napinsala ay ang kisame, nabasag ang salamin ng ilang bahagi ng passenger terminal building ng Tacloban Airport, mga natumbang hagdanan na iningunguso sa eroplano, mga tent, ang nasira sa rampa dahil sa malakas na hangin.

Sinabi naman ni Engineer Danilo Abareta, Tacloban Airport area manager, na dakong alas-8:03 ng gabi, na-accommodate pa ang dumating na sweeper flight mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos na tumama ang malakas na hangin at ulan sa nabanggit na paliparan sa Eastern Visayas.

Ayon pa sa ulat ni Abareta sa CAAP, isang pasahero ang nasaktan at kaagad namang binigyan ng pangunahing lunas ng nurse-on-duty.

Nanatiling operational ang Daniel Romualdez Airport at nakabukas ito ng alas-6:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi. (Otto Osorio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.