Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Airsoft gun pinuslit, broker sa Customs kinasuhan

0 228

Sinampahan ng Bureau of Customs (BOC) sa Department of Justice (DOJ) ang ilang importer at Customs broker dahil sa pagpapalusot ng iligal na kontrabando gaya ng imported aluminum products, mga airsoft gun at mga aksesorya nito.

Sa magkahiwalay na reklamong kriminal na paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at Article 172 kaugnay sa Article 171 ng Revised Penal Code, ang Mega Precision Corporation at customs broker ay bigong magdeklara ng inangkat nilang 2,000 piraso ng aluminum profiles noong August 16, 2018 sa Port of Manila na nagkakahalaga ng P821,461.

Sa isa pang kaso, hindi rin idineklara ng VMP Trading ang P1,303,329 na halaga ng airsoft guns at mga aksesorya nito noong December 14, 2020 sa Manila International Container Port.

Ayon sa BOC, mahigpit na ipinagbabawal ang importasyon ng airsoft guns at mga accessory na paglabag sa CMTA, at Section 10 ng PNP Circular No. 11-2007 o Revised Rules and Regulations Governing the Manufacture, Importation, Exportation, Sale, Possession, Carrying of Airsoft Rifles/Pistols and Operation of Airsoft Game Sites and Airsoft Teams.

Sa ngayon ay 34 mga kasong kriminal na ang naihahain ng BOC laban sa tiwaling importers at mga customs broker. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.