Abante Tonite Interactive

Aiza, pumalag sa basher

120

PINATULAN ng nag-birthday na si Aiza Seguerra ang isang bas­her nang sabihin ng isang Tom Cruz na, “Ang daming naghihirap na tao sa ‘Pinas, why not celebrate your birthday low key considering you’re supposed to be an appointee of the Presi­dent and whose advocacy is the poor?

“Ang tunay na bonggang birthday celebration should be low key for public servants unless you don’t consider yourself as one.”

Ang sabi lang ni NYC Chair Aiza, “Unang-una, birthday ko kaya ‘wag kang ano! Pangalawa, magreklamo ka kung ang ginagamit kong pera pambayad dito ay pera ng taumbayan.

“May natitira akong ipon bilang isang singer, ‘wag mong kakalimutan. At kakain ako kung saan ko gusto dahil birthday ko! #walanghahadlangsaakinatsapagkain”

***

Dreamscape night sa Ako Si Josephine noong Sabado sa PETA pero habang puno ng mga ABS-CBN stars and staff ang teatro, kulang pa rin ang paying audience ng musicale ni Yeng.

Mahirap talaga nitong mapantayan ang tagumpay na tinamo ng Rak Of Aegis.

Sana, mag-pick up pa ito sa susunod pang linggo.

Tonite – Wendys Inhouse Ad