Abante Tonite
Mabilis sa Balita

AJ, Barbie nag-away kay Diego

0 4,244

Gumagawa ng sariling pangalan si AJ Raval. Siya ay anak ng action star na si Jeric Raval.

Hawak siya ng pamosong manager na si Jojo Veloso katuwang Viva Artists Agency.

Mapangahas, mapanukso ang bagong pictorial ni AJ. Wala siyang takot na mag-topless.

“Nasa edad na rin po ako, meron na rin po akong sariling desisyon,” deklara ni AJ nang mag-presscon ang huling pelikula niya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Anyway, pagkatapos siyang mapanood sa ““Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar” ay ipapalabas naman ang pagtatambalan nila ni Diego Loyzaga. Ito’y pinamagatang “The Death of a Girlfriend”. Sexy, love story suspense movie ito.

How true na nagkaroon ng maiksing relasyon sina AJ at Diego nang gawing nila ang pelikula?

True kaya ang chism ng aming source na inaway umano ni Barbie Imperial si AJ dahil sa selos?
Hindi pa raw kasi inanunsyo noon nina Diego at Barbie ang kanilang relasyon kaya walang kaalam-alam si AJ na may karibal siya.

Paano kaya magpo-promote sina AJ at Diego na magkasama pag showing na ang “The Death of a Girlfriend”.? Ayon kasi sa tsismis, galit daw ngayon si AJ kay Diego. (ART)

Leave A Reply

Your email address will not be published.