Abante Tonite
Mabilis sa Balita

AJ bet angkinin ng nga yakman

0 178

NI: ROLDAN CASTRO

Nabigyan ng pag-asa ang mga yakman at nagpapantasya kay AJ Raval.

Tuwang-tuwa sila nang aminin niya sa presscon ng pelikulang “Taya” na dalawang buwan na silang wala ng dating boyfriend na si Axel Torres.

Bet pa naman nilang maging dyowa at maangkin si AJ.

Anyway, ayaw raw ni Axel ang ginagawang pagpapa-sexy ni AJ sa pelikula.

“Gusto ko pong ipagpatuloy ang karera ko. Gusto ko pong sumugal sa karera ko kaysa sa love life,” sambit pa niya.

“Ayaw niya po ang karera ko ngayon, ayaw niya po akong magpa-sexy which is naiintindihan ko naman po sa part niya. Pero kung susugal ako sa pag-ibig, talo ako sa karera, pero kung susugal ako sa karera, panalo pa rin po ako,” deklara pa ni AJ.

Paliligayahin na naman ni AJ ang mga yakman sa sa pinakabagong psychedelic erotic thriller Vivamax Original, ang Taya. Kasama rin sa movie sina Angeli Khang, Jela Cuenca, Soliman Cruz, Mon Confiado, Pio Balbuena at Raul Morit.

Ito ay sa direksyon ni Roman Perez Jr.

Mapapanood ito sa August 27 sa ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV at VIVAMAX.

Leave A Reply

Your email address will not be published.