Abante Tonite
Mabilis sa Balita

AJ binantaang papatayin

0 207

Takot na muling ma-bash si AJ Raval nang kaharapin nito ang katakot-takot na mga banat mula sa netizen.

Nagsimula ito nang masangkot siya sa hiwalayang Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Inamin ng aktres na nagkaroon ito ng ilang mental breakdown dahil sa mga pamba-bash sa kaniya.

“Ang dami ko po nare-receive na kung ano-ano. May mga death threat pa po. May mga galit na galit po sa akin. Nag-detox na lang po ako kasi nakakasira po talaga ng mental health yung social media,” pahayag ni AJ.

Dagdag ng aktres, sarili lang umano nito ang tumulong para malibang ang sarili.

“Parang ako rin po ang tumulong sa sarili ko. Ang dami ko po nagawa ever since nag-social media detox ako. Nilibang ko ang sarili ko, nakalipat po ako ng bagong bahay, nakabili ako ng bagong sasakyan,” saad ng aktres.

Aniya, gusto umano nitong mag-grow at mag-improve kaya ginawa nitong positive ang pananaw.

“Pero yung negative na nangyayari, ginawa ko po siyang positive. Gusto kong mag-improve sa sarili ko. Gusto ko rin po mag-grow,” dagdag ni AJ. (Sherrylou Nemis)

Leave A Reply

Your email address will not be published.