Abante Tonite
Mabilis sa Balita

AJ durog sa ex

0 68

Matinding patama ang inabot ni AJ Raval sa ex boyfriend niyang si Axel Torres.

Sa isa kasing Instagram post ng dating Pinoy Big Brother housemate, kapasin-pansin ang caption nitong swak na patama sa aktres.

“Right now, I’m standing here with nobody to love and my ex is probably out having fun, hooking up with the person that she told me not to worry about. But it’s alright,” sey niya.

Bukod pa rito, sunod-sunod na IG stories din ang ipinost ni Axel na siyang picture ni AJ na nakatakip ang mukha.

Mapapansin ding “Traitor” ni Olivia Rodrigo ang kanyang background music sa series ng litrato ng aktres.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nito lamang Agosto nang kumpirmahan ni AJ na hiwalay sila ni Axel dahil umano sa kanyang mga sexy role sa ilang palabas.

“To be honest po, marami po kaming problema sa career namin kaya nag-end po ng maaga ‘yung relationship namin,” wika niya.

“Hindi po ako magsisinungaling. ‘Yun po ang pinaka-reason. Gusto ko pong ipagpatuloy ang karera ko. Gusto ko pong sumugal sa karera ko kaysa sa love life.”

Samantala, nito lamang linggo nang aminin niya na nililigawan siya ni Aljur Abrenica na may dalawang anak kay Kylie Padilla. (VA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.