Abante Tonite
Mabilis sa Balita

AJ humingi ng tawad sa mga nasaktan

0 155

Happy fiesta ang mga tsismoso at katkatera kasi nga, ang mga kaganapan sa bizarre love triangle nina Aljur Abrenica, Kylie Padilla at AJ Raval, lalong umiinit.

Pinakamainit na kaganapan siyempre pa ang alegasyon ni Abrenica na ang kanyang ex-wife na si Kylie ang unang ‘nagloko’.

Ang hamon sa kanya sa barangay, pangalanan na ni Aljur kung sino ang sinasabi niyang “love interest” ni Padilla para cuentas claras na ang lahat.

Kung hindi makuha sa maboteng usapan ang mysterious homme, eh mag-sparring sila sa isang boxing area with matching spectators at pustahan para mas masaya.

Si Mrs. Abrenica pa rin naman, dapat wala na muna siyang kuda sa social media. Dapat , magkalap siya mga ebidensya para mapatunayang hindi totoo ang mga alegasyon ni Ginoong Abrenica tapos hayaan niyang ang abogado niya ang magsalita para sa kanya.

Alam naman nating not in this life time mapapasa ang divorce bill sa Pilipinas so might as well take all the legal means para hindi lalong ma-tarnish ang kanyang reputasyon bilang babae at ang kanyang pagkababae.

Dapat rin sitahin niya ang kanyang kamag-anak incorporated na huwag sumawsaw sa isyu at mag-offer ng mga kung ano-anong opinion sa social media.

Alam naman nila ni Aljur na kapwa sila may kasalanan kaya hindi lang wasak, kundi warat na warat ang kanilang pagmamahalan.

Isa pang alas ni Kylie, para “malinis” ang kanyang pangalawan, ipakilala niya sa lahat ang homme niyang balot na balot sa hiwaga at misteryo.

Samantala,marami ang natuwa sa paghingi ni AJ Raval ng paumanhin sa mga taong “nasaktan” niya matapos niyang i-post ang disclosure ni Abrenica.

Bagamat may lesson learned na siya sa kaganapan, mukhang hindi pa rin siya “bibitaw” sa kanilang pagiging malapit ni Ajur sa isa’t-isa.

Dapat ding pagsabihan ang nanay Alyssa niya na oo, nauunawaan nating lahat ang “unconditional love” niya para sa kanyang anak pero hindi nito mababago ang katotohanan, kahit ano pang pagtatanggol ni Abrenica sa iyong dalaga, na legally married pa ito kay Kylie. At dahil iyan ang totoo, alam na alam nating lahat kung ang tingin at turing kay Binibining Raval dahil sa masaklap na reyalidad na ito.

Habang lumalagablab ang kanilang bizarre love triangle, nagpapalitan lang sina Aljur, AJ at Kylie bilang mga pangmalakasang trending topic sa woke universe that is Twitter.

Ang tanong, kailan kaya magpapa-TV or online interview si Aljur Abrenica para ipamalas sa lahat ang greatest performance of his life?

Si AJ Raval kaya ay kasama ni Abrenica sa kanyang panayam, magkahawak kamay ang dalawa at ang background music ay “You And Me Against The World?”

At si Kylie Padilla, anong taktika naman kaya ang kanyang gagawin to milk the sympathy votes of the balana at madlang crowd?

Kaabang-abang ang drama sa totoong buhay na ito, hindi ba naman?

Sanya kinasabikan na ‘First Lady’;

Nagbubunyi ang mga tagahanga at sumusuporta kay Sanya Lopez kasi nga bumulaga na sa social media ang promotional photo para sa “First Lady.”

Ang Melo-dear ng mga Kapuso, upgraded na bilang unang ginang Melody Reyes-Acosta at ang kanyang pangulo, si Gabby Concepcion pa rin siyempre bilang si Glenn Francisco Acosta,

Sino kayang Philippine First Lady ang pinag-aralan at siniliksik ni Lopez para convincing ang kanuang portrayal? Si Lady Ming Ramos kaya?

Baka naman si Lady Loi Ejercito?

Hindi naman siguro bet ni Sanya na ang longest reigning unang ginang ang kanyang maging inspirasyon sa kanyang TV katauhan, si Imelda Romualdez Marcos? Pero, magpasahanggang ngayon, in terms of beauty, si Madam Imelda pa rin naman ang pinakamagandang unang ginang lalo na nu’ng kabataan nito.

Paano nga kaya ang buhay ni Melody na from a yaya with a heart of gold eh magiging first lady na hindi lang ang kanyang pamilya ang dapat inaalagaan at kinakalingha, kundi ang buong bansa sa kanilang fictional universe?

At siyempre pa, kakaabang-abang para sa diva that you love ang fashion ni first lady Melody. Ang pipiliin kayang style ni Sanya ay ‘yung la eleganza in the tradition of Jaqueline Bouvier-Kennedy?

The classic sophistication kaya of the late her Serene Highness, Grace Kelley of Monaco?

O mas millennial British royalty ala-Kate Middleton, the Duchess of Cambridge ang preferred look ni Lopez?

Gusto ko ring mapagtanto kung sino ang magiging kontrabidang babae sa “First Lady.”

Aliw na aliw kasi ang marami sa pagka-Lavinia Arguelles ni Maxine Medina dati bilang Lorraine Prado. Iba ang galawan niyang pang-impaktahan, hindi ba naman? She was such a villainess na hindi madaling makalimutan, sa true lang,

Siguradong kapag ipinalabas na ang “First Lady” sa primetime slot sa ka-Siyete, waging-wagi ito, huh!

Arman, Al inaabangan sa Lapulapu

Bidang-bida ang mahusay na tenor at theater actor Arman Ferrer sa “Lapulapu, Datu ng Mactan”.\

Literal na who’s who is Philippine musical theater ang mga kasama ni Ferrer sa musikal at ang isa na nga rito ay si Al Gatmaitan, na gagampanan ang katauhan ni Antonio Pigafetta.

Mukhang mga bagong musical theater produksyon ang maipapalabas sa Met Theater, huh!

Balita ko, may pinaplanong MET Gala para dito ngayong Disyembre na ang gustong mangyari eh kabugin ang orihinal na MET Gala ni Vogue’s Anna Wintour para sa MoMa o Museum of Modern Art.

Ngayong Oktubre 24 na mapapanood ang “LapuLapu, Datu ng Mactan” sa Facebook pages ng Metropolitan Theater at FDCP.

Leave A Reply

Your email address will not be published.